Chapter 9 Paloma's Pov Iiwanan ako sa loob ng opisina para mag ayos sa mga nakakalat na kailangan ayusin. Sinimulan ko na mag ayos pero sinabayan ko na din mag tingin kung anong makukuha kong ebidensya sa loob ng opisina niya. Nagmamadali akong tingnan ang ibang naka lagay na mga papel sa kanyang mesa habang inaayos ko ito. Biglang bumukas ang pinto at nagulat ako ng pumasok si Don Fabio. “Oh Paloma inaayos mo ba dyan ng maigi? Pasensya ka na makalat at tambak ng gagawin pinabayaan yan ng dating secretary ko .” Wika ni Don Fabio sa akin. “Okay lang po sir aayusin ko na lang po dito.” Wika ko habang nag ayos ng mga papel sa mesa niya. Habang nag aayos ako ay nakatingin lang siya sa akin. Nakikiramdam lang ako sa mga kilos niya. Hindi ko na lang pinansin saka ipinagpatuloy ko ang g

