Chapter 32 David’s Pov. Buti naman nakatulog na din siya akala ko hindi na siya matutulog. Tinitigan ko siya habang tulog. Napaka amo niyang matulog. Hinawi ko ang kanyang buhok sa kanyang mukha ng dahan-dahan. Inilapit ko ang aking mukha ng malapitan sa kanyang mukha para halikan sana nang biglang nagising siya sa pagkatulog. ‘’Anong ginagawa mo sir David?’’ Tanong niya sa akin. ‘’Wala naman Paloma pinagmamasdan lang kita habang tulog ka.” Wika ko sa kanya. "Tumigil na ba ang ulan sir?” Tanong niya sa akin ng umayos siyang umupo sa upuan. "May ulan pa Paloma kaya dito na muna tayo sa loob ng sasakyan.” Sabi ko sa kanya. Bigla siyang napa urong sa kanyang mukha dahil nasa harapan na niya ako. "Sorry,sorry!" Lalabas muna ako baka maayos ko ulit ang makina sa labas.” Ani ko sa kany

