"Mag friend request kaya ako kay Clark, sa tingin mo iaccept niya ko?'' tanong sa akin ng pinsan kong gustong makipag close sa pinsan ng kan'yang bebe. "Edi i-add mo. Kilala ka naman siguro niyan" sagot ko. Ewan ko ba dito sa pinsan ko, kung bakit ba siya nahihiyang mag friend request sa pinsan ni Jinx. Wala naman siyang balak doon sa lalaking ‘yon hay nako. “Nahihiya ako e..” sagot naman niya. “Edi ‘wag mo i-add. Ay uunahan kong i-add bago kapag in-accept ako sasabihan kita.” Suhestiyon ko.
Noong araw na ‘yon nag friend request ako kay Clark. Medyo matagal ko na siyang kilala pero sa pangalan lang. Bukod kasi sa pinsan siya ng kaibigan kong si Jinx, marami rin sa aking mga kaklase ang nakakakilala sa kanya. Lumipas ang dalawang araw at inaccept din ni Clark ang friend request ko sa kanya. “‘Te inaccept na ako ni Clark sa Facebook.” Chat ko kay Qwnccy at sinendan ko rin siya ng screenshot, syempre patunay. “Add ko na ba? HAHAHAHA” tanong niya sa akin. “Goo” sagot ko sa sinabi niya. Nag friend request siya kay Clark at agad namang inaccept nito. Pareho kaming natuwa dahil akala namin hindi niya kami iaaccept sa f*******:. Ito namang pinsan ko grabe ang tuwa dahil kahit papaano meron na siyang friend sa sss na kamag-anak ni Jinx.
Napapansin ko kapag nag mamyday ako palaging pinupusuan ni Clark. Tulad no’ng isang beses na birthday ng Tita ko, at halos wala ng bisita nagmyday ako ng mata ko. Pinusuan niya ‘yon. Bago no’ng isang beses din na picture kong bagong gising na myday, pinusuan niya. Medyo naaalarma ako sa mga pinag gagagawa niya. Mamaya mag kikita kami ni Qwnccy dahil do’n kami sa Tita ko matutulog. Siguro naman mag uusap sila ni Jace. Kasi alam ko tuwing gabi nag vvideo call sila. Hehe s’yempre ito ako para manggulo.
Habang nag bbrowse ako sa sss, tumawag na si Jinx kay Qwnccy. Dali dali akong lumapit kay Qwnccy upang sumingit. “Hi Jinx!” sigaw ko habang nakaway sa camera. “Ito na naman tayo.” Sabi ni Jinx. Alam ko namang pagod na silang dalawa sa akin. Charot! Nakukulitan na silang dalawa sa akin dahil palagi akong nasingit kapag nag vvideo call sila. “Jinx alam mo ba..” simula ko “hindi” bara naman niya. “Palagi kamong hina-heart ni Clark mga myday ko.” Sabi ko kay Jinx. “Ayieee” sabay na sabi ni Qwnccy at Jinx. “Baka crush ka esu.” Sabi ni Jinx sa akin. “Lul” bago inalisan ko na silang dalawa at nag-ayang maglaro ng call of duty. Tawag ko sa ginagawa namin ay bff time. Kasi si Qwnccy ay ang paborito kong pinsan at super dikit naming sa isa’t isa, si Jinx naman ay malapit na kaibigan kong lalaki.
Mapayapa akong nagcecellphone dahil tinatamad akong gumawa ng module ngayong araw. Maya maya biglang nagchat sa akin si Ate Angel, isang senior sa school na pinapasukan ko ngayon. "Bet mo bang maging President?” chat niya. Hindi ko alam kung sasagot ako ng oo or hindi sa sinabi niya. Kaya tinanong ko siya “Kung gugustuhin ko pong maging President sino naman pong kalaban ko?” gusto kong tumakbo bilang Student Body Organization President kaso iniisip ko pa lang ang pamamahala at mga dapat kong gawin ay naiistress lalo ako. Plus kailangan pa ng plataporma. Kasi kung about sa mga ganyan wala naman ata akong matutupad. In short napanghihinaan ako ng loob,pero gusto ko. “Si Dionisio” sagot ni Ate Angel. Si Dionisio ay isa sa mga malapit kong kaibigan na lalaki. Sa sobrang dikit ko sa kanya maraming nag aakalang mag-jowa kaming dalawa. Kung siya ang makakalaban ko ayos lang sa akin, kasi sure akong panalo siya.
Sinabi ko sa group chat naming magka kaibigan ang sinabi ni ate Angel sa akin na position about sa SBO. Sabi ko tatakbo akong president, kahit pa hindi pa ako na sangayon kay ate Angel. “Hala tatakbo ka?” tanong sa akin ni Dionisio. “Oo” sabi ko. “Aww, ako kasi hindi pa sure e.” sabi ni Dionisio. “Luh bakit naman?” tanong ko, kasi kilala ko si Dionisio na hindi siya tatanggi sa mga gan’tong opportunity. “Baka kasi ilipat na ako ng school ni mama kasi unti-unti ng inaalis ng school scholarship ko.” Sagot niya. Isa kasi siyang scholar ng school, simula no’ng mag high school kami. No’ng sophomore year kami hindi niya nakamit yung requirement ng school na grade para sa kanya. Kaya pinagbayad sila. “Ahh okay” sagot ko. Pero feeling ko nang aancha lang ‘tong lalaking ‘to e.
Tumakbo parin si Dioni na president. Magkalaban kami, at sabi ng SBO adviser ng aming school parang magkakaroon daw ng alitan sa pagitan namin kasi nga kaibigang dikit kami ni Dionisio. Hindi naman kami ga’nong magkaibigan. “Um-oo ka kasi kaagad kay Ate Angel, gagawin ka sana naming secretary e.” biglang chat ni Dionisio sa gc naming magka kaibigan. “Sana sinabi mo kaagad dibaa, nakakahiya namang mag back-out” sagot ko sa kanya. Para sa aming campaign kailangan naming mag post online ng pictures at videos kasama ang mga plataporma naming. Nahihirapan akong mag-isip ng plataporma dahil online class kami. Parang ang hirap magpatupad ng proyekto lalo na’t sanay akong napasok sa school. Naisip kong proyekto ang pag gawa ng zoom meeting para tulungan ang mga nahihirapan sa kanilang mga subject, s’yempre higher grades ang magtuturo sa mga lower. Tapos sa mga higher mag hahanap ng mga alumni na pwedeng mag volunteer. Pero parang ang lame. Tapos since most ng mga kabataan ngayon ay palaging naglalaro ng online games, gusto ko rin ng tourna. Kaso kapag iniisip ko yung mga ganyang plataporma pano ko sisimulan diba?
“Ate pa’no ko magagawa yung mga plataporma ko?” chat ko kay Ate Angel. “Madali lang naman gumawa ng solution d’yan mare, basta mag focus ka lang muna sa pag-iisip pa ng ipapatpad mo.” ‘yan ang reply niya sa akin. “Bakit ako yung napili mong President ate?” tanong ko sa kanya. “Nakikita ko kasi sa’yo na magaling kang leader” sagot niya sa akin. Nagpatawag si Sir ng meeting para mag announce sa mga dapat naming gawin. Tatlong araw lang ang campaign namin online tapos sa Friday na ang botohan. Ang bilis hays. Para sa aming campaign nag post ako ng isahang introduction at plataporma namin. Tapos nag t****k kami HAHAHAHA mga mare napasayaw ako.
Ngayon ay Thursday at merong nag friend request sa akin na Aeroll Martinez. Inistalk ko siya at Nakita kong friend siya ni Jinx at ni Clark.“Jinx sino si Aeroll Martinez?” chat ko sa aking kaibigan. “Kuya po ni Clark.” sagot ni Jinx sa aking tanong. Inistalk ko muna ang f*******: account niya at tiningnan ang kaniyang itsura. Hindi ko makita ng ayos ‘yong mukha n’ya dahil halos ng picture niya sa f*******: ay naka facemask. Inaccept ko rin naman agad dahil kapatid nga daw ‘yon ni Clark. Tinitingnan ko kasi kung pogi yung kapatid niya, ehe alam mo na. Baka kasi siya na ang forever, bet ko pa naman yung mga mas matanda sa akin. Since ngayong araw ang pagpili ng mga ka-schoolmate ko ng kanilang iboboto kinabukasan, sinabihan ko na agad ang mga kaibigan ko na ang iboto ay si Dionisio, kasi mas kilala siya sa campus at alam kong kaya niya na ‘yan, dahil malaki naman na siya. HAHAHAHA ang ganda diba. Botohan na agad bukas.
Kagigising ko lang at botohan na, nagforward ako ng link sa mga group chats naming magkakaklase para makaboto na sila agad. Biglang tumunog ang selpon ko at Nakita kong nag chat si Andrey. Secretary ng aming section. Ako kasi ang ginawang president ng adviser namin sa aming section, dahil ang bilis ko daw mag response online. HAHAHA ang hindi niya alam madalang na akong nagawa ng aking mga school works pero nakakapag pasa naman ako. “Nice working with you president. God speed with your endevours.” ‘Yan ang chat niya sa akin. “Sino binoto mong president?” reply ko sa kanya, s’yempre pinusuan ko ang sinabi niya. “Ikaw” sabi ko na nga ba e, ayaw ko kasing ako ang iboto bilang president ng buong campus, pero kung sa classroom lang papayag agada ko. Hays ewan ko ba, baliw ata talaga ako. “Bakit ako? Dapat si Dioni ang binoto mo.” ‘Yan ang inireply ko sa kan’ya. “Ikaw lang ang nakilala kong nagalit dahil binoto ka.” HAHAHA grabe na talaga ito si Andrey. Dugtong niya pa mabait daw kasi ako. Mabait din naman si Dioni ah. Pero hayaan mo na ‘yon ang gusto niya e. Next week namin malalaman kung sino ang nanalo.
Binalak namin nila Qwnccy at Leigh na matulog ulit sa bahay ng tita namin. Para makapagbonding kami at siyempre malayo sila sa bahay nila, palagi daw kasi silang naiistress. “ ‘Te alam mo ba nag friend request sa akin yung Aeroll Martinez, kuya daw ‘yon ni Clark” kinikilig kilig pa ako habang sinasabi ko ang mga katagang ito kay Qwnccy. “Weh?” tanong niya sa akin. “Tanong mo nga kay Jinx kung kung pogi ‘yon, HAHAHAHA” sabi ko kay Qwnccy habang tuluyan paring kinikilig. Nakaupo kami sa sala ng tumawag si Jinx kay Qwnccy para mag bebe time. Grabe na ‘tong dalawang ‘to, sa harap ko pa talaga. Charot! Bigla akong sumingit at sumigaw ng “Jinx pogi ba yung Aeroll?” tanong ko sa kanya. Aba hindi ako sinagot ng kumag. Kinulit ko naman ngayon si Qwnccy. “Be tanong mo nga kung pogi yung Aeroll, hehe.” Tinanong naman niya si Jinx kaso hindi parin ito sumasagot, dahil patuloy siyang naglalakad sa bahay nila.
Katatapos lang daw kasi ni Jinx mag bike kasama ang pinsan niyang si Clark. Kaya magkasama silang dalawa sa bahay nila Jinx. Nag-usap muna sila Qwnccy at Jinx, at ako naman ay patuloy sa pagkulit kung pogi ba si Aeroll. “Hoy pogi daw ba yung Aeroll? Sabi ni Ate Ava” tanong ni Qwnccy kay Jinx. “Oo siyempre Martinez ‘yon e” sagot ni Jinx kay Qwnccy. “Send ka nga pic Jinx, WHAHAHAHAHHA” sigaw ko naman. “Ano ‘yan ano’yan?” sabi ni Clark kay Jinx. Sabay kaming nagsalita. “Ah tinatanong kasi kung pogi daw ba si kuya Aeroll.” Sagot ni Jinx. “Sinong nagtatanong?” tanong ni Clark kay Jinx. “Kaklase ko.” Agad na sagot ni Jinx kay Clark. “Mas pogi pa ako do’n e.” sabi naman ni Clark. “Sino ba nagtatanong? ‘Yan ba?” tukoy niya kay Qwnccy at sumisingit pa sa camera. “Hindi ‘yan yung pinsan niya ‘yon.” Sabi naman ni Jinx kay Clark. Medyo madilim rito sa aming p’westo kaya hindi makita ng maayos ang aming mukha. “‘Yan ba?” ulit uli ni Clark. “Hindi nga. yung isa, pinsan niya. ‘Wag ‘yan.” Sagot ni Jinx kay Clark na paulit ulit nagtatanong sa kanya kung sino ang nagtatanong kung pogi ba yung kuya niya. Dahil lumayo na ako kay Qwnccy at nagbabalak na akong maligo. Tinawag niya ako dahil may gusto raw na kumausap sa akin. Sabi niya si Clark nga daw, at nag wave naman ako sa kanya at nag “Hi” medyo na hihiya pa ako, dahil hindi naman kami close ni Clark.
Nangungulit si Clark kay Jinx tungkol sa kung sino ako. Grabe iba talaga ang ganda ko. Charet! “Hoy tawag ka ni Clark” sigaw sa akin ni Qwnccy na kinikilig killig pa. Lumapit naman ako palapit kay Qwnccy at lumabas kami ng bahay. Naka off cam si Jinx. “Ava” Boses ni Jinx ang naririnig ko, kaya sinagot ko naman ng “o bakit?” “ ‘Di ba tatakbo ka ng president?”(-) “oh”(--) “ Pabobotohin ko lahat ng schoolmate mo sa’yo.” ‘Yan ang sabi sa akin ni Jinx. “Wag!” sagot ko. “Tapos na botohan” sabay kaming nagsalita ni Qwnccy sa call. Nakatapat sa akin ang cam ng selpon ni Qwnccy. “Kala ko ba si Clark?” tanong ko kay Qwnccy. “Si Clark na ‘yan ‘te” masiglang sabi sa akin ni Qwnccy. Nabigla ako, dahil nakatapat pamandin sa akin yung camera. “Totoo ba? Akala ko si Jinx HAHAHA kaboses kasi.” Sabi ko kay Qwnccy, habang hinahawi ang selpon ni Qwnccy palayo sa akin. Totoo akala ko talaga si Jinx yung kausap ko. “Bakit?” tanong ni Clark sa pagsabi ko ng ‘wag!’ sa sinabi niyang pabobotohin niya ang mga schoolmate ko sa akin. “Wala lang ayokong maging president e.” sagot ko sa kanya. “E bakit ka tumakbo? Ano ka baliw?” tanong sa akin ni Clark. “HAHAHAHA hindi, basta ayoko.” Nasabihan pa ngang baliw. Well gusto ko namang maging president ‘di ba? Kaso napanghihinaan ako.
“Oy Ava” tawag sa akin ni Clark. “Po?” sagot ko naman sa kanya, syempre bigay galang. “Ano.. Usap tayo mamaya.” Sabi niya sa akin. “Sige po. Anong oras?” tanong ko sa kanya. “Mga eight. Kakain pa ako e.” tiningnan ko ang selpon ko nang sinabi niyang eight. Kaka seven palang. “Sige unahan mo.” Sagot ko, sabay kinuha na ni Jinx yung selpon niya kay Clark. At nag open ng camera. “Nakakatampo naman ‘yan si Ava hindi ako binati no’ng birthday ko.” Parinig ni Clark sa call. Nag post si Jinx no’ng birthday niya ng picture niya habang natutulog. Ni-react-an ko lang ‘yon ng haha. Pero ang cute niya do’n mga mare. “Ay belated happy birthday po” bati ko sa kanya. “Salamat” sabi sa akin ni Clark. “ ‘Wag ka na mag ‘po’ para namang ang tanda ko sa’yo e” pagsaway niya sa akin.