~STILL BLAIRE POV~
"Sino kayo??!" Napataas ang boses ko
Nakaharang naman sa may bandang tiyan ko ang kamay ni Mark
"Hindi niyo na kami kailangang malaman!. Sumama na lang kayo sa amin kung ayaw niyong masaktan!" aniya
"Eh kung ayaw namin!!" sagot ko dun sa isa
Tiningnan naman ako ni Mark, kaya tumingin din ako sa kaniya
"Hindi ko sila kaya babe. Sumama na lang tayo. Wala na tayong magagawa!" aniya
Pero natatakot ako…
"Huwag kang matakot babe. Nandito lang ako. Magiging maayos rin tayo" aniya
Tiningnan ko naman siya sa mata. May tiwala din naman ako sa boyfriend ko
"Tama ng satsat!!"
"Isakay na yan sila!!"
___
(~VHINCE POV~)
Habang nagbabayad ako dito sa bills ni Ziara. Mamaya na kasi kami aalis. Ay hindi ko maiwasang magtaka kung sino yung parating sumusunod sa akin!
This fast few days kasi may taong parang nakamasid/ nakasunod sa akin
__~FLASHBACK~__
Hindi pa man ako nakalapit dun sa bahay ng bigla akong huminto dahil nakaramdam ako ng isang taong nakamasid/ sinusundan ako
Tumingin ako sa likod ko. Pero walang tao
Sa bawat gilid naman, pero wla pa din
___
Nandito ako sa parking lot ng hospital. Bubuksan ko na sana yung pinto ng sasakyan ko ng
Napatigil na naman ako…
Tingin sa likod
*Left
*Right
Ngunit walang tao
__~END OF FLASHBACK~__
Salamat na lang at wala ngayon. Wala akong naramdaman
___
(~BLAIRE POV~)
Mukhang malapit na kaming makarating kung saan man kami dadalhin ng mga lalaking 'toh!
Nakayakap lang ako sa bewang ni bebeko habang nakasuksok sa kaniya. Tapos yakap naman niya ako
Ilan sandali din ay, tumigil na yung van na sinasakyan namin
At bumukas ang pinto…
"Baba!!!" Pasigawng sambit nung isa
Tiningnan ko naman si Mark. Walang emosyon ang makikita sa mukha nito
Wala kaming ibang magawa kundi bumaba na kami. At nagsimula nang maglakad
Habang naglalakad kami, tinutukan naman nila kami ng mga baril nila. Pasneiang buhay!. Ano bang kasalanan namin??!
Ganun pa din ang position ko kanina habang naglalakad kami
Nandito pala kami sa isang madilim na lugar. Ewan ko kung saang parte na ng Pilipinas ito!
Pumasok naman kami dito sa may pintuan
Pagpasok namin ay konti lang ang ilaw na nakabukas at maraming mga armadong lalaking nakapaligid. Ta's yung mga lalaki kanina, umalis na sa amin
Tumingin naman ako sa harap namin. May isang lalaking nakaupo na nakatalikod sa amin
"Mga boss, ma'am. Nandito na po sila" ani nung lalaki kanina
Ano sabi niya?? Mga boss?? Ma'am??. Isa lang naman yung lalaking nakaupo dito!
Ilan sandali pa'y, may lumabas namang dalawang tao mula sa madilim na parte
Kasabay ang pagkakawala ko ng pagkakayakap kay bebeko. At nagulat na lang ako ng mamukhaan ito…
"Mom?? Dad??" gulat na gulat na tanong ko
Ngumiti naman silang dalawa sa akin …
"Anak!"
"Maligayang pagdating anak!" dad
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at pinuntahan sila tapos niyakap ito
At kumawala din…
"Mom dad, ano pong ginagawa niyo dito?? Anong sinasabi nilang, boss at ma'am??"
"Ipapaliwanag namin sa iyo lahat anak!" Saad ni dad
"Ako na po ang magpapaliwanag sa kaniya Tito, Tita!"
Napatingin naman ako kay bebeko na nagtataka
"Alam mo babe??"
Ngumiti lang siya sa akin… at tumango-tango
"Anak"
Balik tingin ako kay mommy. Nakahawak na ito sa kamay ko
"May ipapakita kami sa iyo. Alam kong, ikakasaya mo'to!" aniya
"Huh?? Sino po mommy?? Ano??"
Tinuro naman niya yung likod ko… kaya tumingin na lang din ako
Yung lalaking nakaupo kanina ay unti-unting humarap sa direksiyon ko
Wait… totoo ba ito??
Ang lalaki lang naman
Ay si…
"Kuya??!"
Ngumiti siya sa akin sabay tayo…
"Kuya!!!" ani ko at niyakap siya
"Kuya buti nagpakita ka na!!!. Miss na miss kita kuya!!. Dito ka lang ba nagtatago??!. Grabe naman!. Dalawang taon kang hindi nagpakita sa amin!. Ano bang nangyari kuya!!??" sunod na sunod na tanong ko dito
Ipinaharap naman niya ako sa kaniya
"Ang dami mo namang tanong?!. Puwedeng isa-isa lang!?" aniya
Hinampas ko naman siya…
"Ano bang totoong nangyari ha??!. Pagkatapos niyong mag break ni Ziara, nawala ka na lang na parang bula!"
"Sorry!" aniya. "Ang una talaga lahat ng yan is, humingi ako ng tulong kay Mark!"
Tumingin ako kay bebeko. Nakangiti lang ito sa amin…
"Tapos sila mom and dad naman, pinaka una kong kasama" aniya
"Huwag ka na ding magtaka anak kung, bakit kami gabihin na pag-uwi sa bahay. Dito kami galing nun!"-dad
Tumingin ulit ako kay kuya ng magsalita ito
"Kaya humingi ako ng tulong kay Mark kasi, siya ang magbabantay muna sa inyo. Siya ang, magbabalita sa akin kung anong mga nangyayari sa inyo!" Si kuya
"Si Mark lang ba kuya??. Kami lang ba??. Paano sina Franzie, Peter, Perlie, Vhince at si Ziara!?. Hindi ka ba magpapakita sa kanila??!"
"Alam na nina Franzie at Peter. Pero sina Perlie, Vhince at… (hinto). Si luv. Sa tamang panahon pa" saad niya
"Tamang panahon??!. Alam mo ba kung ano ngayon ang pagdudusa ni Ziara??"
Bumalik muna siya ng upo dun sa swivel chair
"Oo alam ko. Alam na alam ko!"
"Hindi mo ba siya na miss??" ani ko at umupo sa harap niya
"Miss na miss ko siya. Kung alam mo lang"
"Mahal ka pa niya kuya"
"Mahal ko pa din naman siya eh!. Mahal na mahal. Walang makapagpabago nun"
"Pero bakit, hiniwalayan mo siya?? Kung mahal mo pa naman siya??"
"Kasi-"
Hindi na natuloy ang sasabihin niya ng magring ang phone ko
Kaya kaagad ko itong kinuha…
"Si Vhince?!. Tumatawag!"
Lumapit naman sa akin si Mark
"Sagutin mo!"
"Magsitahimik muna ang lahat"
___
(~VHINCE POV~)
[Hello Vhince??]
"Blaire, asan kayo ni Mark??. Kailan ang alis natin papuntang Batangas??" ani ko
[Mamaya bro!. Papunta na rin kami diyan!]
Boses ni Mark ang narinig ko…
"Dalian niyo ha??. Mukhang, alam na kasi ni Mr at Mrs Tan na nandito si Ziara!. Kaya dalian niyo na bro!!"
[O sige-sige. Papunta na!. Bye!]
___
(~MARK POV~)
Hi guys!. Miss me??
So totoo lahat ng sinabi ni Aze kanina ha?. Na alam ko lahat Simula pa lang
Pagkatapos tumawag ni Vhince ay pinatay ko na ito kaagad
"Ma pa kuya, kailangan na naming umalis!"-Blaire
"Mag-iingat ka anak!"
"Salamat po mom!"
"Ipahatid ko na kayo!" Ani Tito
"Salamat po Tito"
At nagsimula na kaming maglakad
Habang hindi pa kami tuluyang nakalabas ay tumingin ulit kami ni bebeko kay Aze at Tita
At umalis na din…
__~END OF CHAPTER 5~__