~ZIARA POV~ Katatapos ko lang maligo ngayon. At pinapatuyo na ang aking buhok. Ng… "Little Aze??" Bigla kasi siyang nawala sa ibabaw ng kama ko. Nilagay ko kasi siya kanina dito "Asan ka?!" Chineck ko naman yung sa ilalim ng kama. Baka nahulog lang. Pero wala pa din… Chineck ko sa may terrace. Baka dito ko talaga naiwan. Pero wala pa din… Kaya nagdesisyon na akong lumabas ng kuwarto… Pagkalabas ko sa kuwarto, ay nakasalubong ko naman ang isa sa kasambahay. May dala pa itong mop "Uhmm. Good morning po!" nakangiti kong sambit "Good morning din ma'am. Bakit po??" "Ahh… Nakita niyo po ba yung stuff toy na palagi kong bitbit??. Nawawala po kasi eh!" "Ay naku ma'am! Sorry po!. Hindi ko po nakita eh!" "Ay ganun ba. Salamat po" Nagpatuloy naman ako sa paglalakad. Hanggang sa makababa

