~VHINCE POV~
Nakasandal ako ngayon sa may wall sa labas tapos madilim dito tapos may hinihintay…
Ilan sandali pa'y dumating na yung hinihintay ko. Mukhang hindi talaga ako nakikita nila
Napahinto na lang silang dalawa ng bigla akong magsalita…
"Date talaga ah!"
Napatingin naman silang sa gawi ko. Tapos lumabas na ako sa may dilim…
"Vhince, ikaw lang pala yan!"-Blaire
"Oo. Ako nga!"
"Bro anong ginagawa mo dito?? Hindi ka pa ba magpapahinga??" Ani Mark
"Mamaya na. Kapag matapos niyong sabihin sa akin ang dapat niyong sabihin!" Wika ko
Nagkatinginan naman silang dalawa…
"Huh?? Anong sinasabi mo bro?? Hindi ka namin maiintindihan!"
Bumukas naman yung pinto at iniluwa doon si mylabs…
"Mylabs, bes, Mark! Dumating na pala kayo!" Sambit neto
Pero hindi ko na siya pinansin…
"Total nandito naman si Perlie. Magsabi na kayo ng totoo"
"Huh?? Anong nangyayari dito??" mylabs
"Hindi din namin alam!. Ewan namin dyan sa boyfriend mo!!"-Mark
Tumingin naman sa akin si Perlie
"Anong nangyayari??"
Ngunit nakatingin pa din ako sa dalawa…
"Kanina nung sinabi niyong magda-date kayo. Sinundan ko kayo. Hindi naman pala totoo. Nakita ko lahat!" ani ko. Nagsimula nang mamuo ng tubig sa gilid ng mata ko
"My ghodd!! After 2 years. Kasama niyo lang pala si Aze??"
(~AUTHOR'S POV~)
"Mylabs?? (Tingin kay Vhince) Mark?? Blaire??"-Perlie. Sabay tingin sa dalawa
"Vhince!" Si Blaire. Samantalang nakayuko lang si Mark
"Bakit?? Bakit hindi kayo nagsabi?? Bakit tinatago niyo siya sa amin?? Diba kaibigan niyo kami??" nagsimula nang magsilabasan ang luha ni Vhince
"Vhince sorry. Perlie sorry!. Hindi namin sinabi lalo na sayo Vhince kasi, galit ka pa diba kay Aze??. Galit ka kasi, sinaktan niya si Ziara!"
"Oo! Galit ako!. At mas lalo pa ngayon!!"-Vhince
"Alam niyo naman diba kung ano ang sitwasyon ni Ziara?? Tingnan niyo siya ngayon, nasasaktan pa din sa ginawa niya kay Aze!. Para na siyang baliw!! At nangangarap na makita ang lalaking yun na matagal niyo na palang kasama!!!!. Hindi ba kayo naawa sa kaibigan natin??"-Vhince
"Naawa kami Vhince. Hindi namin ginusto ang lahat ng pangyayaring ito. Maging si kuya, hindi niya ginusto!. Pero kailangan!"
"Alam niyo. Kahit pa nag-iinit ang dugo ko kay Ian. Nagpapasalamat ako sa kaniya. Bakit?? Dahil may kasama at kausap si Ziara, hindi yung stuff toy yung kinakausap niya!!" Galit na wika ni Vhince
"Ipaliwanag namin sa inyong dalawa ang lahat. Lahat-lahat Para maintindihan niyo!"-Mark
"TsK! Wala akong oras sa ganyan!. Kung ayaw niyong sabihin kay Ziara?? Ako ang magsasabi sa kaniya"
Papasok na sana si Vhince pero hinarangan ni Mark
"Bro huwag. Plsss!!"
"Hindi pa gising si kuya, Vhince"-Blaire
"Ano bang nangyari kay Aze, bes??"
"Nabaril siya sa hindi namin kilala na tauhan ni Tan. Sumugod kasi sila noon kina Tan para patayin iyo at pagbabayarin na rin. At nagtagumpay sila. Napatay nila si Tan, pero si Xie ang anak ni Tan ay hindi. At, nabaril siya" pagpapaliwanag ni Blaire
"Gusto namin. Ni Aze Na kapag magkikita ulit silang dalawa ay masaya na ang lahat. Walang problema. Walang gulo" ani Mark
"Kaya plss Vhince. Huwag mo nang sabihin kay Ziara. Plss??"-Blaire
Ilan sandali pa'y…
"Anong ayaw niyong ipasabi sa akin??"
Biglang sumulpot si Ziara
Kaya nagulat naman sila na kinabahan. Baka kasi, narinig niya ang pinag-uusapan nila
"Bes, kanina ka pa diyan??"
"Hindi naman. Kararating ko lang. Hinahanap ko kasi kayo. Teka, ano ba ang ayaw niyong ipasabi sa akin??"-Ziara
Ilan segundo muna ito bago may nagsalita…
"Uhmm Wala Ziara. Huwag mo nang isipin yun!" Sagot ni Vhince
Nabuhayan naman ng loob si Mark at Blaire. Akala kasi nila na, sasabihin ni Vhince
"Ah okay. Hindi ba kayo papasok??"-Ziara
"Syempre! Papasok bes!. Tara na!. Nagpahangin lang naman kasi kami dito!" Ani Perlie at pumasok na sila ni Ziara
Sumunod naman sa kanila si Blaire
At naiwan si Vhince at Mark…
"Salamat bro ah??" Sambit Mark
"Hindi ko alam kung tama ba itong desisyon ko. Pero galit pa din ako kay Aze. Hanggat hindi siya mismo ang humihingi ng tawad sa akin? Hindi ko siya mapapatawad" ani Vhince at iniwan na si Mark
__~KINABUKASAN~__
(~PERLIE POV~)
Time check✔ 6:05 a.m
"Bes, puwede ka na bang magkuwento??" ako. "Tutal, mamaya pa naman gigising si Ziara"
Nagtitimpla kasi siya ng kape namin ngayon
"O sge. Pero ayun lang ito sa kinwento din nila sa akin" aniya
At ibinigay sa akin yung kape kaya tinanggap ko na. Tsaka, umupo na din siya
"Sabi nila mommy sa akin. Mahal na mahal ni kuya si Ziara. At alam ko yun. Nung panahong, nakipaghiwalay si kuya kay Ziara. Ayaw naman talaga niya. Pero wala siyang magagawa, dahil. Papatayin nila Tan si kuya, si Ziara at kami"
"At lumayo na nga siya. Gaya nung sinabi ni Tan. Pumunta si kuya sa lugar na ito, para magtago. Magplano at iba pa. May bahay din kasi kami dito na kami lang ang nakakaalam. At katulong niya noon si Mark at ang papa niya"
"Patago-tago nga siyang pumunta sa Maynila para makita lang si Ziara. At tingnan kung okay lang ba ito. Nag. Alam mo ba yung spy?? Ewan. Basta, hindi mo siya mamukhaan kapag nagtagpo kayo"
"Tapos last months. Sabi ni mommy, about dun sa pagkabangga ni Ziara. Nasaksihan din ni Aze. Kahit gustong-gusto man niyang tulungan, dalhin sa hospital si Ziara. Ay, pinigilan talaga niya ang sarili niya. Tapos, ayun!"
(Hindi pa yan ang lahat!! Next day niyo pa malalaman. Heheheh)
"Kinaya iyon lahat ni Aze?? Alam kong nasasaktan din siya sa tuwing nasasaktan si Ziara!"
"Ang strong ni kuya noh??. Kung ako yun, hindi ko kakayanin" aniya na nakatingin sa kung saan
"Oo nga. Bwisit na Tan!. Mabuti na lang at namatay na!"
"Pero buhay pa si Xie, ang anak niya. Yan ang susunod na problema. Alam ni daddy na may pinaplano yun!. At galit na galit iyon kay kuya at sa kaniya dahil sila ang nagpatay kay Tan!"
"Kung kaya niya!" ani ko at medyo patawa
"Alam mo. Lalamigin na itong kape natin, hindi pa din natin maiinom. Heheheh"
"Oo nga!. Nakalimutan ko tuloy na may kape tayo. Heheheh"
____
(~ZIARA POV~)
Kababangon ko lang ngayon…
Tapos nag-inat inat muna
Ilan sandali pay tumunog ang phone ko
At agad ko itong kinuha at sinagot…
[Good morning Ziara!!]
"O Ian. Ang aga-aga pa ah?!. Bakit tumawag ka??"
[Uhmm Ziara. Wala ka bang gagawin mamaya??]
"Wala naman!. Bakit??"
___
(~PERLIE POV~)
Habang nandito kaming apat sa sala. Si mylabs at Mark ay naglalaro ng online games. Tapos nagchikahan naman kami ni Blaire
Ay biglang nahagilap sa mga mata ko si Ziara. Kababa lang nito. At bihis na bihis
"Bes, saan ka pupunta?? Bakit bihis na bihis ka??"-Blaire
"Uhmm guys, inanyahan kasi ako ni Ian na Puwede ba rawng lumabas kami. Alam niyo na, gala-gala!"
Napatingin naman kami ni Blaire
"O sge mga bes! Mark, Vhince!. Alis na ako!" aniya at lumabas na
Hindi man lang ako nakapaalam
At bakit hindi na niya dala yung stuff toy?? Kasi, sa pagkakaalam ko. Kahit saan siya magpunta ay dala niya ito
Pero bat ngayon wala na??
__~END OF CHAPTER 15~__