"AYOS ka lang ba, Tempest?" Iyan ang paulit-ulit na tanong ng kanyang Nanay halos isang linggo na rin ang nakalilipas. Nag-aalala na ito para sa kanya. Iniisip nito na baka naapektuhan siya sa natuklasan niya tungkol kay Danger. Pero siya, hindi rin alam sa sarili kung ano ba ang dapat na mararamdaman niya. Hindi pa masyadong nag-sink in sa isip niya ang mga nakitang eksena. Pero nang makarating sa opisina ay saka lamang isa-isang pumasok sa sarili niya kung ano ba ang nakita niya Pumatak ang luha sa mga mata niya nang mga oras na 'yun. Pero hindi na naulit 'yon. Mayaman si Danger. May anak at may asawa na. Ang tanging gumugulo lang sa isip niya ay bakit kaylangan pa siya nitong ligawan? Bakit kaylangang manirahan nito sa kanilang lugar? Ano? Isa ba itong asset ng Gobyerno? Isa ba ito

