KAYLANGANG paghandaan ni Tempest ang pakikipagkita sa ASMR Boyfriend niya na si Kart. Kahit na ba'y hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maka-get over na magme-message nga ito sa kanya. Siguro nakulitan na ito sa kanya. Kaya sa wakas ay pinagbigyan siyang makipagkita dito. Sa una ay akala niya'y nantitrip lang kung sino man ito. Syemre, hindi muna siya naniwala agad. Natuto na siya. Baka magaya lang ito sa ginawa ni Danger sa kanya at humopia na naman siya. Pero nang sabihan niya ito ay may ginawa nga itong patunay na ito ang boses sa likod ng ASMR na pinakikinggan niya. Nang magsend ito sa kanya ng voice message through email ay naniwala na agad siya. Napatili pa nga siya at personalized ang audio-ng ni-send nito sa kanya dahil may kasama pang pagbanggit ng pangalan niya. "Sumi-sexy a

