"ANG gaga mo kasi! Iyan tuloy para kang baliw kaiisip kung ano ba talaga ang dahilan ni Fafa Dan at ni-ghosting ka ng one week." Pinunasan ni Tempest ang kanyang luha. Kagabi pa siya iyak nang iyak pagkagaling sa hotel. Hindi lang halata pero nasasaktan talaga siya. Bakit sa lahat ng pwedeng maging ASMR Boyfriend niya, kung saan siya nakahanap ng magko-comfort sa basag niyang puso ay iyun din ang taong nanakit sa kanya. Bukod sa puso, masakit din ang paa niya dahil sa mataas na hills na suot. Double kill ngayon ang tema niya. Mabuti na lang at rumampa na naman ngayon ang magulang niya. Hindi nito maririnig ang pag ngangawa niya. "Tapos ngayon ngangawa-ngawa ka sa 'kin. Kung pinakinggan mo lang sana 'yung tao. Eh di sana nasa mall tayo at nagsa-shopping dahil yayamanin pala talaga si Fa

