Pigil ang bawat paghinga ni Tahnia habang naghahanap sila ng daan palabas ng mansyon. Sa isang iglap lang kasi ay mas naging maingay ang mga putukan sa paligid dahil sa pagdating ni Lorenzo at ng mga tauhan nito. Hindi inasahan nila Sebastian na mabilis na darating ang grupo ni Lorenzo. Pero handa sila para doon. Pinaghandaan na nila ang ganoong posibilidad kaya nakahanda na rin ang back-up nila at papunta na sa mansyon ng mga Corvino. “Ano na ang gagawin natin ngayon, Seb?” tanong ni Tahnia sa lalaki. “We have to get you somewhere safe first,” sabi sa kanya ni Sebastian habang nakatuon ang atensyon nito sa paligid nila. “You’re coming with me,” giit niya. “No, I can’t,” mabilis na saad ni Sebastian. Nilingon siya nito at diretsong tinitigan sa kanyang mga mata. “I have to settle thi

