Tahnia’s Point of View “Sa wakas, makakalabas ka na rin, ‘ma,” nakangiting sabi ko kay mama habang inilalagay ko sa bag niya ang mga gamit niya. Halos isang buwan rin siya sa ospital, at walang palya akong bumibisita sa kanya. Kulang na lang ay dito na rin ako tumira. Kung pumayag lang si Calvin ay matagal ko nang hinakot ang mga damit ko at nag-stay in dito. Pero malabo rin pala kasi hindi rin payag si Sebastian, lalo na’t ayaw niyang napupuyat ako dahil masama sa baby namin. “Na-miss mo na ba ang bahay natin?” tanong ko sa kanya. Palagi kasi naming napag-uusapan na uuwi muna siya sa bahay. “Oo, ‘nak. Pati ang palengke, miss ko na rin,” nakangiting sagot niya. “Sige lang, ‘ma. Nakausap ko na si Sebastian, at ang sabi niya ay okay lang daw na umuwi tayo sa bahay,” sabi ko sa kanya.

