Sa unang pagkakataon sa buong buhay ni Tahmira ay pakiramdam niya’y may ginawa siyang tama—bagay na siya ang nagdesisyon; na walang dumidikta sa kanya. Sa totoo lang ay gusto niyang sumama. Gusto niyang makasama ang ina at kambal. Ngunit hindi niya kayang gawin ‘yon dahil wala pa siyang mukhang maihaharap sa dalawa. Alam niyang siya ang dahilan kung bakit naghirap ang kanyang kambal; kung bakit kamuntik pa itong maging laruan ng mga Corvino. Sinisisi niya rin ang sarili kung bakit nabaril ang kanyang ina, kaya gano’n na lang ang konsensyang naramdaman niya nang sisihin niya si Tahnia. She was just afraid to admit her mistakes. But now, she’s ready. She will embrace all of it and fix them all. Matapos niyang kausapin ang nurse ni Tahnia ay dire-diretso na siyang bumaba at bumalik sa k

