Sebastian's Point of View Tahlia. That name again. I couldn't believe that I'd be reminded of that woman in this unexpected time—galing pa mismo sa bibig ni Tahnia. Mas lalo pa yatang sumakit ang ulo ko dahil sa biglaang pagragasa ng mga alaala ng nakaraan. Idagdag mo pa ang bahagyang stress na dulot ng mga sinabi kanina ni Tahnia. I really thought she already saw right through my little act. Akala ko mabibisto na niyang hindi totoo ang engagement namin ng nanay niya. I can't afford that yet. Hindi muna. Not now. Napabuga ako ng hangin saka nagtalukbong ng kumot. Hindi ko rin makalimutan ang mukha ni Tahnia kanina habang nagsasalita siya, lalo na nang sabihin niya sa aking aalis siya kapag itinuloy ko pa ang mga ginagawa ko sa kanya. She looked so determined. Seryosong-seryoso si

