Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ko nang makaupo ako sa sofa ng bahay namin. Nothing really beats the comfort of your own home, lalo na't wala na ang source of stress ko—si Sebastian. Hinatid niya lang kami ni Mama rito kanina. Akala ko pa nga ay magtatagal siya. Mabuti naman at nakaramdam siya na hindi siya welcome rito. "Anak, punta muna akong palengke, ha? Asikasuhin ko muna ang tindahan," sabi sa akin ni mama nang makalabas siya ng kwarto niya. "Agad? Hindi ka ba magpapahinga muna, 'ma?" Kunot-noo akong tumingin sa kanya. "Bukas na." "Hindi, 'nak. Matagal akong nawala sa tindahan, need ko i-check ang stocks," aniya habang inaayos ang suot. "Dito ka na muna, ha? Pahinga ka, kasi balita ko magsisimula ka na raw agad bukas sa trabaho?" Palihim akong napairap. "Kaya nga

