Tahnia's Point of View Tahimik ang biyahe namin pauwi. Pansin ko ang madalas na pagtingin sa akin ni Sebastian pero hindi ko siya pinapansin. Ayoko siyang kausapin. Ibinaling ko ang tingin ko sa labas. Ngayong wala na ang lib*g na nararamdaman ko ay kinakain na ako ng konsensya ko. Galit na galit ako sa sarili ko dahil nagawa kong patulan ang mapapangasawa ng aking ina. Isa akong basura. Malandi. Ahas. Duming-dumi ako sa sarili ko. Pero kinukumbinsi ko na lang ang sarili ko na para din naman ‘yon sa ikakabuti ng lahat. Para din naman ‘yon sa nanay ko; para matuon na sa kanya ang atensyon ni Sebastian at hindi sa akin. “Tahnia...” “Don’t talk to me, Sebastian,” malamig kong saway sa kanya. “Just drive.” Dinig ko ang buntong-hininga niya saka niya itinuon ang atensyon sa daang tinat

