Halos wala na akong ibang marinig kundi ang kabog ng aking dibdib. Bawat hakbang ko papasok sa rest house ni Sebastian ay nilalamon ako ng kaba. I couldn’t even think straight. Walang ibang pumapasok sa sistema ko kundi ang magaganap mamaya. Nandito na ako, at alam kong hindi na ako makakaatras pa. “Make yourself comfortable,” saad niya saka siya niya pinaandar ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay, at doon ko lang napansin kung gaano ito kaaliwalas at kagaan tingnan. The whole interior of the house was in white, beige, and wooden brown. Nakakakalma—sana. Pero paano ako kakalma kung anumang oras ay kakaratin na ako ng lalaking nasa harapan ko?! Huminga ako nang malalim. “How I wish I can really make myself comfortable,” sabi ko na lang saka umupo sa brown couch at kumuha ng throw pillow s

