TAOZ- 19

900 Words
Olivia Pov. Napatayo ako at nagulat sa nakita ko na kakapasok lang. Nakaitim siya na damit at itim na pants. Napatingin siya sakin at binaba ang b***l at bag niya. Lumapit siya sakin at niyakap ako. "Liv... mabuti naman at ligtas ka..." ani niya habang mahigpit na niyayakap ako. "Kuya... Kuya..." hindi ko mapigilan na mapaiyak. Ilang buwan narin kasi ng huli kaming nagkita ni kuya. Hindi ko lang ma isip na magkikita kami sa ganutong sitwasyon. Tiningnan niya ako ng mabuti at sinuri. "Okay kalang ba? Wala bang masakit sayo?" Ani niya. "I'm Fine, Kuya. Bakit ka pala andito? Asan sina Mama?" "P-Pumunta siya dito para Iligtas ka, Kakagaling lang namin Sa School niyo. Mahal ka talaga ng kuya mo" ani ng Lalaki na nakaupo ngayon at pinagpapawisan na dahil sa sakit na nararamdam galing sa binti niya. "Hindi kana dapat pumunta dito kuya, baka may rerescue rin samin. Hindi mona sana iniwan sina Mama. Pero... Thank you Kuya, For coming." Ani ko. "Wala silang balak na magsagawa ng rescue. I tried to tell them pero ayaw nilang makinig. Iniisip nila na wala nang survivors and i think balak nila pabombahan ang buong city to kill those zombies" paliwanag niya. "How can they know na wala nang survivors eh hindi nga sila pumunta dito. Sorry ha, but hindi na talaga ako nag titiwala sa mga sundalo, pulis o sa ano mang may awtoridad simula nang mangyari to. I know na they are trying to protect their Family and Themselves also but may sinumpaan rin sila to protect and save us." Ani ni Shelly. "It's okay, i think hindi narin naman ako makakabalik sa serbisyo. Now, we must trust and protect each other." Ginamot ni Ate Lian si Kuya Carl gamit ang mga natitirang medical supplies dito. Kumain narin sina kuya at Mike. Kinwento samin ni Mike nakasama sina Kuya at kung papaano sila napunta dito. He also told us na Wala na talaga si Alice. Sinubukan niya raw na tawagin si Adriana sa Taas pero hindi na ito sumasagot. We told him kung ano ang nangyari kina Drei at Ivan kung pano sila andun sa Police Station and kung pano kami iniligtas nina Kuya Rex. Hindi ko alam pero parang may nabuo kaming pamilya dito. Dahil sa Nangyari ay marami kaming nakilala at naging kaibigan. Napansin ko rin ang ang pagbabago ni Shelly. Noon hindi talaga kami nakakapag usap dahil tinatarayan niya ako palagi pero ngayon ay magaan na siyang kausap. Natulog na kaming lahat upang makapagpahinga. . . . Maaga pa akong nagising. Medjo madalim pa sa labas. Tiningnan ko ang mga kasama ko na natutulog pa. Tumayo ako at naghanap ng Kape na nasa Can. Nag hanap rin ako ng Tinapay. Umupo ako sa Gilid at uminom. "Gising kana pala" muntik ko nang ibuga ang nainom ko na kape sa gulat. Biglang umupo sa harap ko si Alex at inilapag ang dala niya ring Kape. "Oh, Bakit ang aga mo nagising?" Tanong ko. "Ewan ko ba, hindi ako makatulog ng maayos" Kinuha niya ang Tinapay ko at kumagat. Hindi na kami nagsalita at tumitig lang sa labas. May parte kasi rito na hindi natatakpan ng Glass. "Liv" napalingon ako ng nagsalita siya. "Oh?" Ani ko at kumagat ng tinapay. "Alam mo naman siguro na may gusto ako sayo diba?" Nagulat ako sa sinabi niya. Naririnig ko yun sa iba kong mga kaklase pero ito ang unang pagkakataon na sinabi niya sakin to. "H-ha?" Ani ko. "Well, gusto ko sana na sabihin sayo to pagkatapos nang Graduation natin. Pero naninigurado lang ako, baka di kasi ako umabot" ani niya at ngumisi. Hinampas ko ang braso niya at napa aray siya. "Wag ka ngang mag salita ng ganyan, Makakaligtas tayo dito noh. Wag ka ngang negative" ani ko. "P-Pero pwede ko bang itanong kung.. Kailan ka nagkagusto sakin?" Ani ko. Bigla tuloy ako nahiya. Wala lang nagtataka ako eh. Bigla siyang tumingin sakin at dali dali naman akong tumingin sa ibang direksyon. "Since Elementary ata" aniya niya. Elementary? Eh ang dugyot kopa nung panahon nayon. "Talaga? Hahaha" ani ko at tumawa nang akward. "Ito ang dahilan kung bakit hindi ko sinasabi sayo. Ayoko kasing mailang ka sakin. Don't worry i will not force you to Like me back. Takot ko lang sa Kuya mo" ani niya at ngumisi. "Talaga, kaya umayos ka dyan" ani ko. Ewan ko pero nawala ang pagiging akward ko kanina. Bumalik ang pagiging close namin nang tumagal ang pag uusap namin. Di nga namin namalayan na Maliwanag na sa labas. "Ang aga niyo namang mag date" ani ni Ate Lian na kakagising lang. Inalok namin siya ng kape. Pero hindi daw siya mahilig ng Kape kaya uminom lang siya ng Tubig. Ilang minuto pa ay Unti unti nang nagising ang iba pa naming kasama. Inayos namin ang Tinulogan namin at naghanda para sa breakfast namin. Naghanap kami ng Tinapay at Tubig at dinala ito sa gitna. Gumawa kami ng Bilog. Katabi ko ngayon si Kuya Dale at si Shelly. "Nakakatuwa namang tingnan na marami tayo" ani ni Ate Lian. "Tama, tsaka ang pogi pala ng Kuya ni Olivia" ani ni Ate Mari. Napangiti naman si Kuya. 'Naku ate, walang interest yan sa mga babae..' "Mas Gwapo kaya ako noh" ani naman ni Kuya Gio. "Naku Gio, ang aga mong mag biro" napatawa kami sa maagang bardagulan nila. Minsan nga naiisip ko na Bagay silang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD