TAOZ- 16

897 Words
Olivia Pov. "Wala bang nakagat sa inyo?" Ani ng lalaki at itinutok ang b***l samin. Napayuko kaming lahat. "W-wala ho.." ani ko. "Ibaba mo nga yan, Rex. Natatakot ang mga bata" binaba niya ang b***l at nilagay ito sa mesa. Humarap samin ang Babae. "Wag na kayong matakot, ligtas na kayo ha" ani niya. "Salamat po.." ani ko. Binigyan nila kami ng Tubig at makakain. "Ako si Lian. Sila naman sina Rex, Mari at Gio." Ani niya. Nagpakilala narin kaming Lahat. "Saan ba kayo nagtatago?" Ani ni Ate Mari. "Ilang araw na po kami sa School. Umakyat kami sa Rooftop baka kasi may dumaan na Rescue." Ani ni Alex. "Bakit kayo Bumaba?" Tanong ni Kuya Gio. "Narinig niyo rin po ba ang malakas na pagsabog?" Tanong ni Nika at tumango naman sila. " Pinasabog nila ang Building na katabi lang namin. Umalis nalang kami baka kasi pasabugin narin nila ang Buong School." "Pasasabugin rin pala nila kagaya ng sa Mall.." ani ni Ate Mari at tiningnan si Ate Lian. "Mall po?" Takang tanong ko. "Yes, sa Mall nagsimula ang unang pagkalat. Pero pinasabog rin nila ito. Akala namin yun na yun pero may marami pa palang andito sa labas. Sabi nila isang scientist daw ang may gawa nito. Tinurukan niya ang mahigit 20 na tao at mabilis silang kumakalat kapag nakakakagat sila" paliwanag ni Kuya Rex. "Kayo po ba ang Survivors sa Mall?" Tanong ni Yuna. Tumango naman sila. "Grabe, hindi ako naniwala noon dahil akala ko haka haka lang. Totoo palang nagkaroon ng Zombies doon kaya pinasabog" gulat na ani ni Nika. Nilingon ko si Shelly at nakatulala lang siya. Lumapit ako sa kanya at Umupo sa tabi niya. "Okay kalang ba?" Tanong ko. "No, I'm not okay" ani niya at pinunasan ang kuha sa pisngi niya. "Babalik siya, Shelly..." sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Tiningnan niya lang ako at patuloy na umiyak. Ito ang unang pagkakataon na nakita kong umiyak si Shelly. "Ganyan rin ba ang iniisip mo kay Adriana? Na Babalik siya?" Ani niya at suminghot. "Oo, Naniniwala ako na Babalik siya kasi yun ang Gusto kong Mangyari. Kahit alam ko sa sarili ko na infected na siya, Pinipilit ko parin na maniwala at Umasa. Kasi yun ang panghahawakan ko Shelly. Ngayon iniisip korin kung ligtas parin ba hanggang ngayon ang magulang ko, kung yung kuya ko kasama rin ba ni Mama ngayon. Kahit ganun, Umaasa parin ako na Magiging okay din ang lahat. Na pagka gising natin sa isang araw ay babalik na sa dati ang lahat.." Pinahid ko ang luha ko sa pisngi ko. "Thank you, Liv" ani niya. Mas lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "You will feel better soon.." ani ko. . . . . Mike Pov. Tiningnan ko lang sila habang naglalakad papalayo sakin. "I-Ivan... how could you do this to me..." umiiyak na ani ni Alice. Kinuha ko ang baseball bat na nalaglag ko kanina. Sinipa ko nang buong lakas ang zombie at hinampas siya sa ulo ng Baseball bat hanggang sa mamatay. "Adriana! Andyan kapa ba?" Sigaw ko. Pero walang sumasagot. Kung wala na siya ay dapat nakababa na ang mga zombies pero bakit hindi siya sumasagot? Biglang natigil sa pag iyak si Alice at Hindi na ito gumalaw. "Alice?" Napatras ako ng Tumayo ito at humarap sakin. Nagdurugo ang Ilong nito at unti unti nang pumupula ang mga mata. "Alice!" Sigaw ko. "H-How dare you to do that to me! You selfish monster!" Ani niya habang unti unting lumalapit sakin. "Alice!" "Akala mo hindi ko alam na may babae ka! I will kill you, Ivan!" Galit na ani niya. Inihanda ko ang Baseball bat ko para i hampas sa kanya. Huminga ako ng malalim habang unting unti siyang lumalapit sakin. Hindi na makilala ang mukha niya ngayon. Gulong g**o ang buhok niya at puno na ng dugo ang Chest niya at Mukha niya. Patakbo siyang Lumapit sa akin. Hahampasin kona sana siya ng baseball bat ng may narinig akong putok ng b***l. May humila sakin hanggang sa makapasok kami sa isang Classroom. Sinarhan nila ang pinto at hinarangan ito. "Okay kalang ba?" Ani ng isang Lalaki. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang Tatlong lalaki na naka itim. May hawak silang tatlo na mga b***l. "It's okay, wag kang matakot. Mga Sundalo kami" ani ng isa. "Ikaw lang ba isa ang naka survive sa School nato? Asan ang mga kasama mo? Parang may narinig kami kanina sa labas." Binaba nila ang mga b***l nila at sabay na Tumingin sakin. "M-may mga kasama po ako sir, Nauna na silang bumaba. Yung binaril niyo kanina, isa rin siya sa mga kasama ko" paliwanag ko. Umupo sila sa sahig. Binigyan nila ako ng tubig at pinilit ko ang sarili ko na kumalma. "Anong pangalan mo? Ako si Dale" inilahad niya ang kamay niya para makipag handshake. "Mike, po sir" ani ko at tinanggap ang kamay niya. Nagpakilala rin ang dalawa niya pang kasama na sina Sir Mark at Sir Carl. "Bakit po pala kayo andito mga Sir, naghahanap po ba kayo ng mga survivors?" Ani ko at uminom ng tubig. "Hinahanap namin ang kapatid niya" sabi ni Sir Mark sabay turo kay Sir Dale. "Ano po ba ang pangalan niya bala kakilala ko, sir"ani ko. "Olivia Poblacion, Kilala mo ba siya" nagulat ako sa sinabi niya. "O-Olivia? Ikaw po ang kapatid ni Olivia?" Tanong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD