Shelly Pov. Umupo ako sa sahig at tumingin kay Adriana. Niyaya ko siya na Makipag usap saakin. Lumabas ako at sinarhan ang pinto. Wala namang zombies sa paligid at may tiwala naman ako kay Adriana. May space sa pagitan namin. "Siguro alam mo naman kung bakit kitang gustong maka usap diba?" Ani ko. Tumango siya at inosenteng nakatingin saakin. "... Hindi namin ginagawa to dahil ayaw namin sayo ha. Pinipigilan lang namin na may mapahamak pa." "Alam ko po iyon, Ate" Tiningnan ko siya nang maiigi lalo na ang mga mata niya. "Wala kabang nararamdaman na iba ngayon? Pwede mong sabihin sakin" Ramdam ko na hindi siya Komportable saakin. Saaming lahat na andito ay kay Olivia talaga siya komportable. Tumayo ako at umupo na medjo malapit sa kanya. Tiningnan ko siya sa mata at ngumiti. "A-Ano

