Chapter 14: Pang Walong Pandama
HININTAY ko lang na magising si Margaux but hell. Magtatanghali na ngunit tulog pa siya.
"If I were you bumili ka nalang ng pagkain for her," wika ni Marfire habang naghihintay lang kami sa sala ng malalaking bahay.
"Wala ka bang pagkain diyan or anything na pwedeng lutuin?"
"I have raw foods but nakaraang buwan pa 'yan. So I won't recommend na lulutuin mo 'yon."
"Don' t bother, hindi ko rin alam kung paano magluto."
"Ang lakas din ng loob ninyong magtanan? Pero hindi mo ako maloloko, Conal. Anong iniisip mo bakit ka sumama sa kanya."
"I just want to help her actually."
"What if pumunta ang pamilya mo rito dahil hinahanap ka nila?"
"That won't gonna happen," may diin kong wika sa kanya.
"Teka, may nangyari ba sa bahay ninyo?"
"Wala actually. Nagpaalam ako sa kanila kaya hindi nila ako hahanapin."
"Much better, ayokong makaharap mga kapatid mo."
"Why?"
"Mga arogante, it's what I felt. Maiba nga ako, hahanap ba tayo ng bahay para sainyo… wait" kumunot ang noo niya.
"Pati rin ba pagtira ninyo sa isang bahay ay pinaalam mo? O tamang sabihin, alam ba nila to?"
"Oo naman, alam na alam nila." Pinaramdam ko talaga kay Marfire na totoo ang aking mga sinasabi.
"O-okay, nakakapagtaka naman."
"Huwag mo nang isipin ang mga 'yon, it's my business anyway."
Pagkasabi ko niyon ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto na tinulugan ni Margaux. Sobrang gulo ng kanyang mga buhok. At hindi pa talaga nito naisip na mag suklay muna bago lumabas.
"I have to go, bibilhan ko na muna siya ng pagkain." Tumayo ako sa couch at mabilis na naglaho. Nakarating ako sa loob ng aking kotse na noo'y nasa labas lang ng gate.
Hindi na ako naghanap pa ng malayong fast food chain. When I saw one ay kaagad na akong bumili. Sayang at walang drive thru.
Naging mabilis lang ang aking pagbili. Kaya nang lumabas ako ay may kakaiba sa paligid. That when I realized na si Kuya Luna iyon. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan para maramdaman ko iyon. Ayoko sanang harapin siya but I decided na lapitan ang aking kapatid.
"Bakit hindi ka umuwi sa bahay?" seryoso nitong tanong.
"I won't be living with you anymore," naiyuko ko ang aking ulo. Ayokong sabihin iyon pero ang sama talaga ng loob ko sa kanila.
"Seriously? Because of what happened last night magiging ganito ka nalang bigla?"
"I'm on my legal age. Ako ang magdi-desisyon para sa sarili ko. Lumaki ako na kayo nalang palagi ang sinusunod. Namuhay ako na walang alam. At namuhay ako na pilit ninyong tinatago ang isang katotohanan na gusto kong malaman."
"What happened to you, Conal?"
"Ano nga ba ang nangyayari sa akin ngayon Kuya? It's your fault. Dahil lahat kayo ay may itinatago sa akin."
"Who makes you think that way, huh? Si Marfire ba? Ano ang mga sinasabi niya saiyo? O ang Lumino ba na iyon? Saan sila? I will tear them down."
"Do not ever blame your fault to other. Alam mo sa sarili ninyo na kayo ang may kasalanan ng lahat. And beside, I'm living with a woman."
"Woman?" nanlaki ang kanyang mga mata.
"Magsasama na kaming dalawa."
"Are you crazy, Conal? Wala kaming kilala na girlfriend mo!"
"Hindi na iyon importante. I have to go, gutom na siya." Tumalikod ako sa kanya pero nang may naisip akong sabihin ay huminto ako saglit, "those thunders and lightning last night ay ako mismo ang gumawa no'n."
Napangisi ako nang muling nanlaki ang mga mata ni Kuya Luna. Mabilis ko siyang iniwan. Sa ngayon ay ayaw ko munang makausap ang kahit ni isa sa kanila.
Nang makabalik ako sa bahay ni Marfire ay naabutan ko siyang nanonood lang ng balita. Hinanap ng mga mata ko si Margaux. May naamoy akong mabaho.
"Ano 'yon?"
"Why don't you ask your woman?"
"s**t," mabilis akong lumapit sa isang pinto dahil doon nagmumula ang amoy. Nang buksan ko iyon at tumambad sa akin ang naglulutong si Margaux.
"You need to stop that," mabilis akong lumapit at pinatay ang kalan.
"Okey, luto na naman iyan, eh." Ngumisi siya at kaagad na napatingin sa aking dala.
"Nag-abala ka pa? Nakita ko kasi ang refrigerator ni Marfire kaya binuksan ko. Ang daming meat kaya niluto ko iyon. Mabuti na ring may binili ka kasi walang kanin rito. Puro dugo at karne lang ang nandiyan."
"Ang baho ng niluluto mo… kumain ka na rito at aalis kami saglit. Maghahanap kami ng matitirhan natin."
"Natin?"
"Yeah, natin… the both of us."
"Ha?" nanlaki ang kanyang mga mata pero iniwan ko na siya matapos kong ilagay ang mga pinamili sa mesa.
Hindi pa rin umaalis si Marfire sa kinuupuan nito. Pero nang makalapit ako sa kanya ay kaagad niyang pinatay ang telebisyon at tumayo ito.
"I heard you talking to her kaya umalis na tayo."
"Okay, mabuti pa nga," ani ko.
Nauna siyang lumabas sa akin. Gusto ko sanang gamitin ang aking kapangyarihan ngunit naisip ko na huwag nalang. Hindi naman malayo ang distansya ng gate sa mismong pinto ng kanyang bahay.
"Ang ganda ng lugar mo rito, Marfire. Hindi ko inakala na mahilig ka pala sa mga bulaklak."
"I'm sharing the blood of being a fairy, kahit ayokong maglagay ng mga bulaklak pero nilagyan na rin ina ng mga bulaklak ang bakanteng lote na rito."
"Wil, ginawa lang siguro iyon ni Tamara para may libangan ka. Kung hindi ako nagkakamali ay karugtong na ng buhay ninyo ang mga halaman at bulaklak."
"Yeah, tama ka diyan pero hindi ako mahilig sa mga ganyan. Tara na, umalis na tayo para maaga tayong makabili at sa wakas ay makakalabas na kayo sa pamamahay ko."
"Mabuti pa nga iyon."
Nasa labas na kami ng kotse dalawa nang huminto siya.
"May pambayad ka ba?" tanong nito.
"Hindi ko alam kung kasya ba yon ang money na meron ako. Pero kung maubusan man ay maghahanap ako ng trabaho."
"Haist, para kayong sumulong sa giyera na walang dala na armas. Hintayin mo ako rito." Iyon lang at mabilis itong naglaho.
Minabuti kong sumakay na sa kotse at pinaandar iyon. Wala pang isang minuto nang makabalik na siya. Nagmamadali siyang sumakay sa harapan. Napansin ko ang dala-dala niyang money sack.
"Dumaan muna tayo ng jewelry store."
"Ano ang gagawin natin doon? Walang real state sa jewelry store."
"Ano ka ba, ibebenta ko to para may pera ka."
"What?" Kumunot ang noo ko. "Let me see it." Mabilis kong kinuha ang money sack at tiningnan kung ano ang laman no'n. Mga dyamante, "mga biak ba to sa kastilyo ninyo?" I wonder, wala kasing exact shape, e.
"Sira, hindi problema sa amin ang mga mamahaling bato rito sa mundo ng mga tao. Hindi na ako kailangan magtrabaho para lang makakuha ng pera."
"Sa bagay, but my family ay kailangan nilang gawin iyon."
"Because they are trying to live normally."
"You have the point anyway. We better go," ani ko at tuluyan na kaming umalis. Kagaya nang sinabi ni Marfire ay dumaan kami sa jewelry store. Pinili namin ang pinakasikat at malaking jewelry store.
"Ikaw na ang bumaba, Conal. Dito ako nagbenta ng dyamante no'n at malamang natatandaan nila ang mukha ko."
"Okey," kaagad akong pumayag at lumabas dala-dala ang money sack.
Pagkapasok ko ay mayroon kaagad na sumalubong sa akin. Babae iyon at abot tenga ang ngiti.
"I want to sell my diamonds. Saan ako tutungo?" tanong ko.
"Diyan lang po sir sa may main corner," turo ng babae.
"Thanks," tumalikod na ako.
Nang makalapit ako sa dalawang babae ay ngumiti sila sa akin at bumati.
"Ano ang maipaglilingkod namin saiyo, Sir?"
"Nothing that much. Gusto ko sana ibenta itong mga diamonds." Inabot ko sa kanila ang money sack at kaagad nila itong tiningnan.
"Wait for a while sir, susuriin lang po namin ang mga diamonds ninyo." Umalis ang isang babae. Walang kaso iyon kung dadayain nila ako. Puwede pa namang makakuha siguro si Marfire ng mga bago?
"Take your time."
Almost 5 minutes din akong naghintay. At sa wakas ay bumalik ang isang babae.
"Sir, the price of your diamonds are 1 million and hundred-three thousand." Kinakabahan itong nagsasalita.
"Okey, not bad for a price."
"Sa criteria po nito ay sobrang klaro. At lahat-lahat ay may 50 carats kung pagsasamahin."
"Okey, ibebenta ko lahat," ngumiti ako sa kanila.
"Sigurado po ba kayo sir?"
"I'm pretty sure."
"Okey sir, ang payment po namin dito ay through bank. May mga papers po kayong sasagutan."
Tumango lang ako. Nang ibigay ko nila ang papel ay kaagad ko iyong sinagutan.
"Saan galing ang mga diamonds niya? Binata pa siya. Ninakaw kaya niya ito?"
"Iwan ko, pangalawang beses na ito hindi ba? May nauna pa sa kanya rito. Sinabi mo rin iyon na baka ninakaw pero wala namang nagre-reklamo."
"Sa bagay."
Napangiti nalang ako sa pinag-usapan nila. Rinig na rinig ko iyon kahit nagbubulungan lang ang mga ito.
Nang matapos ako ay kaagad kong ibinibigay ang papel. Naghintay ako ng ilang sandali at sa wakas ay tapos na.
"Pumasok ba po ang payment sir."
"Okay, thank you."
Nagmamadali na akong bumalik sa kotse. Tiningnan ko ang aking banking online to see kung may pumasok nga ba. When I confirmed it nandoon na nga.
"How's the experienced?" tanong ni Marfire sa akin.
"What do you mean? Iyon bang pagbenta ko? Madali lang siya pero hindi ko mapigilan na huwag makinig sa bulungan nila."
Tumawa si Marfire sa sinabi kong iyon. Hinayaan ko lang siya at umalis na kami.
"Puntahan natin ang bahay na ito. Malaki siya at sa tingin ko ay pwede kayo rito." pinakita niya sa akin ang larawan while driving.
"That's too old, alam mo ba 'yon?"
"Pero maganda siya. Pa-pinturahan mo nalang at siguradong maganda ito. At isa pa, hindi ideal sa kagaya natin ang tumira sa maliit na bahay."
"Sa bagay may point ka, sige diyan nalang tayo."
Nang sabihin ni Marfire ang address ay kaagad na kaming nagpunta roon. May malaking karatula sa labas ng gate na for sale.
Lumabas kami at nagpunta sa harapan ng gate. May mabilis na lumapit sa aming matanda.
"Hello Lolo, alam niyo po ba kung sino ang nagmamay-ari ng bahay na ito?" ako na ang kusang nagtanong.
"Naku, kami ngayon ang caretaker o nangangalaga ng bahay na 'yan."
"Sino po ang may-ari Lolo?" tanong ni Marfire.
"Ang may ari niyan ay isang binata noon, pero bigla itong nawala kasama ang right hand niya. Pero bago paman sila nawala at hindi na bumalik rito ay hinabilin sa amin ni Charlie ang bahay na ito."
"Charlie po?" tanong ko.
"Oo, iyong right hand ng binata."
"Gusto po sana namin itong bilhin Lolo, magkano po ba?"
"Naku, ibebenta lang namin yan ng five hundred thousand. Wala rin kasi kaming titulo na maibibigay tapos ang five hundred thousand ay sa buwis na aming nababayaran taon-taon para lang sa bahay na 'yan."
"Ganoon po ba?" napatingin ako kay Marfire. Parang scam lang ang labas nito. Paano kung binayaran namin tapos bumalik ang may-ari o pamilya nito?
"Sige po Lolo, kukunin namin iyan at babayaran namin kayo," wika ni Marfire na nagpaliwanag sa mukha ng matanda.
"Ayos, huwag kayong mag-alala. Malinis ang buong bahay dahil parati namin itong nililinisan. Maraming salamat sainyong kabaitan. Sa wakas ay makakauwi na kami sa probinsya at doon na kami maghihintay ng aming kamatayan."
Ngumiti lang kami ni Marfire bilang tugon sa matanda. Hindi namin alam kung ano ang sasabihin rito.
"Tinoy, papasukin mo sila para makita nila ang loob ng bahay." May isang matandang babae na lumabas.
"Pasok kayo."
Binuksan nito ang gate. Habang papunta na papasok sa pinto ay may kakaiba akong nararamdaman. Hindi ko maipaliwanag.
"May nararamdaman ka bang kakaiba?" tanong ko kay Marfire.
"Wala naman? Ano ang nararamdaman mo?"
"Hindi ko maipaliwanag, e. Basta parang ang gaan ng pakiramdam ko rito."
"Mabuti kung ganyan ang nararamdaman mo Conal. It means ligtas ang bahay na ito at may magandang atmosphere."
"Maybe. Hindi ako sigurado."
Nang makapasok na kami ay napahanga ako. Moderno itong tingnan ngunit gawa sa kahoy ang ilang parte. At sobrang laki din niya. Halos kasing laki lang sa bahay ni Marfire.
"Nagustuhan niyo ba rito?" tanong ng matandang babae.
"Maganda rito Lola at hindi luma tingnan," nakangiting wika ko.
"Mabuti naman, ilang dekada din namin itong nililinis para man lang hindi masira. Matanda na kami at kailangan na naming magpahinga rin."
"Kaibigan niyo po ba si Charlie?" curious na tanong ni Marfire.
"Naku, sa katunayan niyan ay nakita lang kami ni Charlie na namamalimos. Sabi niya ay nagtungo ang kanyang amo na si Stelian ba 'yon? Doon sa America. Hindi na raw iyon babalik tapos siya rin ay aalis at hindi na babalik. Sa amin hinabalin. Nag-iwan siya ng pera upang pansimula namin. Bilang pagtanaw ng malaking utang na loob ay amin talagang inaalagaan ang bahay. Ngayon na matanda na kami ay kailangan na naming magpahinga." Mahabang kuwento ng matandang babae.
" Wala po ba kayong balita sa may-ari nito Lola? Paano po kung may pumunta rito? "
"Naku, wala na kaming balita. Maging kay Charlie ay wala na rin. At sa tingin ko naman walang pamilya ang amo ni Charlie. Matagal na kami rito at wala man lang nagpakilala sa amin."
May kung anong awa akong naramdaman sa dalawang matandang ito. Mukha namang nagsasabi sila ng totoo. Ramdam na ramdam ko iyon sa kanilang puso. Maging si Marfire ay ganoon din yata.
Natapos ang aming paglibot sa malaking bahay ay napag-desiyunan naming bilhin na talaga ito. Babalik kami mamaya sa bahay dala ang bayad at upang magi-impake na rin ang dalawa. Aalis na ang mga ito ora mismo.
Hindi paman kami nakabalik sa bahay ni Marfire at naisipan kong bilhan ng pagkain si Margaux, sa wakas ay may nakita akong drive thru.
"Paano ba kita babayaran sa binigay mong diamonds sa akin Marfire?"
"Huwag mo iyong isipin Conal, sobrang maliit lang iyon na bagay. At huwag mo na rin po-problemahin ang blood na iinumin mo. Ako na ang bahala sa monthly na dugong stock."
"Ang laki na ng utang na loob ko?"
"Tulungan mo lang akong magligtas ng mga tao, Conal… sapat na iyon."
"At iyon ang ating gagawin," ngumiti kami sa isa't-isa. "Bago ko pala makalimutan. Nakausap ko na si Lumino. Pumapayag na siya ngunit ang ating pagsasanay ay magsisimula bukas. Hahanapin natin si Lumino sa iba nitong anyo."
"Ha? Ang hirap no'n?"
"Iyon din ang iniisip ko, Marfire. And kailangan daw nating gawin ay talas ng pakiramdam."
"Ang puso, Conal. Puso ang siyang gagamitin natin upang makilala natin si Lumino."