Kaming dalawa lang ni Jon ang nagaasikaso sa lahat.
Madalas di na kami nakakapasok sa school.
Natapos ang sem at pumasa naman kami.
Ang next sem namen dina kami nakapag aral dahil na din sa sobrang pagod,puyat at unti unting nauubos ang pera ng mga magulang ko
Hanggang sa isang araw iniwan din kami ni mama.
Sobrang hirap at sakit.
Pagkatapos ng libing si Jon ay naghanap ng trabaho dahil sa wala na din kaming natirang pera.Baka wala na din kaming makain.
Nakapasok si Jon sa isang sikat na Talyer sa Bayan ng Magalang
sa tatay ng kaibigan nya. Samantalang ako sa bahay na daw muna para mag asikaso sa lahat.
Uy bess gising sabi ni Julia. Nanaginip kana naman pagpapatuloy ni Julia. Oo bess si mommy at daddy ang napanaginipan ko. sumasama daw ako sa kanila kaso ayaw nila ko pasamahin wala daw ako pamasahe , iyak daw ako ng iyak.
Tumawa si Julia.
Mirienda na tayo bess para mawala yang lungkot mo heto o nagluto ako ng maruya diba paborito mo mga saging tapos pinang saing na kita o ayan ha para di kana mapagod sabi ni Julia.
Magdadala naman ng ulam yang si Jon di nako mag luluto.
Ilang oras pa ang nkalipas dumating na si Jon.
O Jen heto lagay mo sa plato at kain na tayo sabi ni Jon at dito kana din kumain Julia sabay sabay na tayo pagpapatuloy ni Jon
pagatapos kong nakapag hain.
Kain na tayo Jon. Sige ayan na sabi ni Jon.
O komusta naman ang Interview prinsesa?sabi ni Jon.
Ok naman Jon natanggap ako start nako bukas.
Wow congrats o itong si Julia mukhang di nakuha ah ang lungkot ng mukha sabi ni Jon.
Oo kuya kaya malungkot ako di kuna masyado makakasama si Jen.
Ok lang yun pano kung makapag-asawa na kayo magkakahiwalay din kayo diba.?
Kaya habang maaga pa magpraktis na kayo sabi ni Jon.
Kahit mag-asawa na kmi kuya di padin kami magkakalimutan nitong bessy ko.
Dito kaba matutulog?
Dina kuya first day ng bessie ko magtrabaho bukas,uwi nalang ako pagkatapos kumain
Ah cge ikaw na magsara sa pintuan Jen maaga ako matutulog para masabay na kita bukas
Unang araw ko ngayon sa trabaho excited na ninenerbyos.
Dahil pang closing ako 8am ang pasok ko 7:30 palang ay nandito nako
Ikaw ba ung new training?sabi ng visor namen.
Opo ako po.
Upo kana bale ako ang titingin sayo madali lang naman ang trabaho dito.
Mabilis lumipas ang ilang buwan Naenjoy ko ang pagiging cashier.tumagal din ako ng 2 years at naging visor din ako.Ako na ang nagtetrain ng mga new cashiers.Lumipas ang dalawang taon ang dami na ding nangyari si Julia nakapag-asawa na siya at ako still single.Lumipat kami sa bayan ng Magalang dahil kinuha na ang bahay namen na nasanla noon.Nangungupahan na kami ni kuya Jon ngayon.
***
Jen?
Sir?
Gusto mo ba sumama magtraining?may itetraining sa Las Pinas bale ikaw sana ang magiging manager sa branch naten sa Magalang sabi ni Sir John.
Talaga po ba sir?
xempre po gusto ko po
Pero may kundisyon?sabi ni sir John.
Ano po un sir?
Huwag mo na akong tawagang sir? at ma po ha dahil magkasing edad lang tayo
Sige kuya?
Magkasingedad nga lang tayo.wag ng kuya sambit ni John
John nalang.
Nakakahiya kasi parang nakakawalang galang ba.
Di kana iba samen at boss ka na din nyan kaya magturingan tayong magkaibigan
****
John
Nasaan kana?
nandito na kami sa Gasoline Station
Malapit na ako
Sige dito lang kami sa kabilang side ah antayin kanalang namen dito..
tut...tut...
Gab antayin lang naten si Jen malapit na daw
Sige bro..pero bakit parang iba ang awra mo ngayon?japorms ah?
tumigil ka nga
maganda ba bro?
oo bro mabait pa
o parang nalukot ung mukha mo?
may asawa na kasi bro
edi kidnapin mo kung gusto mo siya
grabe kanaman bro maka kidnap
piwwwwit...ganda nga nya bro parang magnanakaw ng puso
ha?bakit?
ninakaw nya puso ko bro
magtigil ka nga dadagdag kapa eh isa lang kaagaw ko magiging dalawa pa kayo
Sige na nga mabait ako, magpapabaya nako
g*g* ka bro
pinagbuksan ko ng pintuan si Jen
kahit sa simpleng mga damit niya napakaganda talaga nya nakadress siyang kulay skintone na hapit sa baywang naka dollshoes syang pumares sa kulay ng damit at ang natural na kulay ng labi niya ang nakakapagbighani sa mga makakakita sa kanya.Napaka simple pero may dating
Bro tara na ano pang ginagawa mo diyan?tanong ni Gab
Ha wala heto na nga o nanginginig na
napatawa ako sa sinabi ko
John?
Oh sagot ko
Nasaan ung magtetraining na kasama ko?
wala eh di nakasama kapag nagstart na dun na siya papasok at ikaw na ang magtrain sa kaniya
Ah sige salamat
halos apat na oras kaming bumyahe papuntang Las Piñas
Sige bro baba na kayo i papark ko lang tong sasakyan...
Naunang naglakad ang dalawa ng hindi magkasabay nauunang naglakad si Gab sa likod nya si Jenny at ako ang nasa likod nila
pinagmamasdan kong maglakad si Jenny na napa simple lage.walang make up pero napaka ganda ang bilugin niyang mata at mahahabang pilikmata at kilay nyang manipis ang nagdadala sa kagandahan nya ang natural niyang labi na kahit hindi maglipstick maganda padin
JEN
Nagbukas nga kami sa Bayan ng Magalang ng isang sikat na PASTRIES at ako ang nag mamanage nito.
Kumusta naman ang benta?sabi ni John
Ok naman dahil buy 1 take 1 eh halos maubos na stock dito sobrang madaming bumili.
first day namen ngayon kaya sobrang busy at pagod ng araw.
Ok kalang?
keri lang to John sanay naman ako
May kakilala kabang pwede mo makasama dito? yung kilala mo para dikana mahirapan kapag na train mo siya
maghahanap nalang ako
sige magsara na tayo nakadami na din tayo..
may magsusundo sayo?
tumango lang ako
ahh cge ung asawa mo?
nagsmile lang ako sa kanya dahil ayaw ko
naman magsinungaling