Nakarating na ako sa university, at bumaba ako agad sa kotse at naglakad na papasok sa main entrance. Ang dami ng tao ang nandito ngayon para manuod ng match. At galing ang iba sa kanila sa kabilang university na kalaban nina kuya mamaya. Nagdidiretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako ng field. Hindi pa nagsisimula ang laro pero an'dami ng tao ang nandito ngayon at may kaniya-kaniya silang hawak na banner. Nandito rin kaya si Sebastian? Pero sa dami ng tao ngayon baka hindi ko siya makita. "Excuse me.." Napalingon agad ako nang may kumalabit sa balikat ko at halatang nagulat siya sa'kin. Nakasuot siya ng jersey at binasa ko naman ang nakasulat dito. San Beda College, Ramirez K. "Bakit may kailangan ka?" tanong ko. Hindi siya nakasagot agad, nakatitig lang siya sa mga

