Maaga akong umalis ng bahay kahit kulang pa ako sa tulog at hindi pa kumakain ng breakfast. Hindi ako pinatulog ng senaryong 'yon, patuloy ko pa rin siyang iniisip at nililinaw pero hindi ko magawang linawin kung ano ang itsura ni Martin. Hindi ko na pinilit pa ang sarili ko, nagsisimula na kasing sumakit ang ulo ko. Tama si doc, ako lang ang mahihirapan kaya tinigilan ko na ang kakaisip non. Dahil sa tinatamad ako mag-drive ng kotse, nag-motor ako papuntang university. Ito ang gift ni dad noong 18th birthday ko pero hindi ko masyadong ginagamit dahil na rin sa pinagbawalan ako ni mom na gamitin ito. Nag-iingat naman ako, ayoko ng maaksidente ulit baka kasi tuluyan na akong mawala sa mundo. Pagkarating ko sa university, nagsitinginan sa akin ang lahat pero hinayaan ko na lang. Pagka-pa

