VIENNA'S POV "Si Sebastian ho ba kasama niyo?" tanong ko at tumango naman siya bilang sagot. "Oo, pero nasa labas siya at kausap ang mom mo." Sana naman huwag siyang pagalitan ni Mom. Kinakabahan na rin kasi ako baka ano ang gawin ni kuya sa kaniya. Biglang bumukas ang pinto at may pumasok—si Mom pero hindi niya kasama si Sebastian. 'Akala ko ba kausap niya?' "Paumanhin kung na istorbo ko kayo." "Asan si Sebastian?" diretsong tanong ko. "Umalis na si Sebastian after naming mag-usap at hindi niya sinabi kung saan siya pupunta." Nakaramdam ako agad ng lungkot dahil sa sinagot ni Mom. Akala ko pa naman makikita ko na siya at makakausap, hindi naman pala. "Sa tingin ko papasok na siya, don't worry Vienna kakausapin ko siya kapag nakauwi na siya sa bahay." "Okay po, thank you ti

