"Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula at kung kailan ko ito naramdaman. Pero ang tanging alam ko lang, gusto ko na siya. Nasaktan ako kanina nang makita ko silang magkasama ni Cheska. Nagseselos ako, naiinggit at nasasaktan kasi dapat ako yong kasama niya. Pero dahil sa naospital ako, hindi na nangyari." Sa pangalawang pagkakataon, tumulo na naman ang mga luha ko. Gusto ko na nga siya kasi kung hindi, hindi ako masasaktan at hindi ako iiyak. "He called me yesterday, sabi niya iiwasan ko siya at umarte ako na hindi ko siya nakilala. Wrong timing siya, bakit 'yon pa ang sinabi niya na kung kailan pa na gusto ko na siya? Pwede ko namang pigilan 'tong nararamdaman ko pero hindi ko magawa. Bakit kasi sa lahat ng lalaki sa mundo sa kaniya pa ako nagkagusto?" Napatakip na ako ng mukha per

