"Paniguradong napanuod niya ang proposal ni Tine kahapon. Madami kaya ang kumukuha ng video kahapon at naipost 'yon sa social media," dugtong ni Therese. "Kung 'yon lang naman pala ang dahilan niya, so ang gago niya sa part na 'yon. Wala siyang karapatan na sigawan at ipahiya ang kaibigan natin. Selos? Seryoso? Tangena niya kamo." Buti na lang hindi kalakasan ang boses ni Michelle kasi kung oo, lagot kaming tatlo sa mga fans ni Sebastian. "Kaya Vienna iwasan mo na siya at huwag mo siyang kakausapin hangga't hindi siya nakakahingi ng tawad sa'yo. For sure naman wala na siyang mukha na maihaharap sa'yo after ng ginawa niya." Hindi ko alam kung na bigla lang ba siya o sinad'ya niyang sabihin 'yon para mapahiya ako sa lahat. Akala ko okay kami pero nag-assume lang pala ako. Isa rin pala

