Hindi pa rin ako umalis dito sa bench, nakaupo pa rin ako at iniisip si Sebastian. He's a sweet guy pero minsan hindi ko na talaga siya maintindihan. Pabago-bago siya ng ugali, dapat nga masanay na 'ko pero hindi eh.
"Okay ka lang Vienna?" Napalingon ako agad, si Britt lang pala. Alam na kaya niya na nabugbog ang kaibigan niya?
"Salamat nga pala sa pagtulong mo kay Sebastian, buti na lang 'yon lang ang inabot niya," dugtong niya.
Paano niya nalaman?
"I'm willing to help Britt," sagot ko. Naupo siya sa tabi ko at bigla siyang napabuntong hininga na ipinagtaka ko.
"Sanay na si Sebastian mabugbog, pero hindi siya sanay kapag iniiwan siya ng mga taong mahal niya. Sabi niya, 'yon ang pinakamasakit na bugbog sa buong buhay niya. Mas masakit pa sa suntok na natatanggap niya." Hindi ako makapaniwala sa kwento ni Britt. Naintindihan ko naman, pero hahayaan niya na lang ba na bugbugin siya ng paulit-ulit?
"Pero hahayaan niya na lang ba na bugbugin siya ng mga lalaking 'yon? Wala naman siyang kasalanan," sabi ko.
"Hindi naman 'yon ang unang beses na nabugbog siya, matagal na Vienna. Kinausap naman namin siya ni Enzo kaso matigas din ang ulo ni Sebastian. Hindi naman siya gan'yan dati pero after siyang iwan ng taong mahal niya, bigla siyang nagbago. Nagbago na rin ang pakikitungo niya sa mga babae," sagot niya.
Sino naman kaya ang babaeng tinutukoy niya? Pero nagbago si Sebastian dahil do'n, pero ang unfair lang. Hindi niya tinatrato ng maayos ang mga babae na hinahangaan siya.
"For sure, nagtataka ka rin sa mga kinikilos niya," aniya at tumango ako bilang sagot.
"Hindi ko siya maintindihan, pabago-bago siya ng ugali. Gano'n ba talaga siya? Nature niya na ba ang pagiging cold at masungit?" Tanong ko pero umiling si Britt.
"Sa totoo lang hindi siya gan'yan Vienna, palabirong tao si Sebastian at masayahin. Ibang-iba sa Sebastian na nakilala mo ngayon. Vienna, isa lang ang kinakatakutan niya, ang mahulog ang loob niya sa isang tao at sa bandang huli iiwan lang din pala siya nito. Kaya gano'n siya makitungo sa mga babae pero sa'yo, ibang-iba. Kaya sana masanay ka sa mga kinikilos niya towards sa'yo. Hindi masama si Sebastian, nasaktan lang kaya siya nagbago," tugon niya na ikinatahimik ko.
Parang hindi mag-process sa utak ko ang mga sinabi niya tungkol kay Sebastian. Bakit ang ibang tao gano'n? Nagbabago once nasaktan?
"Vienna, dumudugo na ang daliri mo, bakit hindi mo pa ginagamot?" At saka lang ako napatingin sa mga daliri ko nang sabihin 'yon ni Britt. May daliri pa pala ako na kailangang gamutin pero nakalimutan ko dahil kay Sebastian.
"Akin na ang kamay mo, gagamutin ko," sabi niya. Nilapit ko ang kaliwang kamay ko sa kaniya kahit nakakahiya man pero kailangan.
"Paano ka makakatugtog nito kung hindi mo naman ginagamot? Pahinga ka muna sa paggigitara, pagalingin mo muna 'tong daliri mo," dugtong niya.
Sinimulan niya na ring gamutin ang sugat ko sa daliri. Sobrang hapdi pero buti na lang hinihipan niya kaya nawawala ang sakit. I'm thankful kasi meron akong kaklase at kaibigan na kagaya niya. Masuwerte si Sebastian kasi may mga kaibigan siyang laging nandiyan para sa kaniya.
"Britt, nagkaroon ka na ba ng babaeng kaibigan before?" Tanong ko. Napatigil siya at napatingin sa'kin, nagtaka tuloy ako.
"Oo meron pero sa ngayon, hindi niya na kami naaalala," malungkot na sagot niya. Nagsisi tuloy ako kung bakit 'yon pa ang tinanong ko.
"Nakilala ko siya noong grade school then nakilala siya ni Enzo at Sebastian no'ng tumuntong na kami ng high school." Nagkaroon din naman pala ng babaeng kaibigan si Sebastian pero bakit umiiwas siya sa'ming mga babae?
"First bestfriend, first love at first girlfriend siya ni Sebastian." Nagulat na talaga ako sa sinabi ni Britt.
Hindi ako makapaniwala, nagkaroon na ng girlfriend si Sebastian?!
"Naging sila noong 3rd year high school na kami at alam mo Vienna, nagkaroon sila ng fandom sa school. Every monthsary nila, nagce-celebrate din ang fansclub nila. Silang dalawa rin ang naging prom king and queen. Worth it naman ang isang taon na panliligaw ni Sebastian. Tumagal din sila mga halos isang taon at limang buwan. Pero nasira lang ang lahat ng 'yon no'ng iwan siya ng kaibigan ko. Umalis ito nang walang paalam at hindi siya nakatanggap ng balita kung saan ito nagpunta. Doble ang sakit na naramdaman niya sa mga panahong 'yon. Kasi sa mismong araw na iniwan siya ng taong mahal niya, iniwan din siya ng mom niya." Natandaan ko 'yong sinabi ni Therese about sa mom ni Sebastian, at tama nga siya.
Silang dalawa ang dahilan kung bakit hanggang ngayon nasasaktan pa rin si Sebastian. Pareho lang pala kami ng pinagdaanan at pareho lang pala kaming iniwan.
"At 'yon ang dahilan kung bakit galit si Sebastian sa mga babae. Takot na siyang masaktan at maiwan ulit Vienna."
Sino kaya ang babaeng 'yon? Ayoko na rin naman manghimasok at ayoko na rin itong alamin pa.
"Pero hindi naman lahat ng babae kagaya ng iniisip niya, napaka-unfair niyon Britt. Paano kung malaman ng lahat?"
"Hindi niya na iniisip pa ang tungkol do'n Vienna, wala na siyang pakialam sa nararamdaman ng iba. Mas may pakialam siya sa sarili niya at sa nararamdaman niya," sagot niya.
Naintindihan ko si Sebastian pero kahit nasaktan siya, sana huwag niyang idamay ang nararamdaman ng iba. Matuto rin sana siyang mag-appreciate ng effort at suporta ng mga fans niya. Magpapaka-selfish siya dahil do'n? That's bullshit!
If there's someone who's getting hurt emotionally and physically because of him, I swear papatulan ko na siya. Hindi ko na hahayaang makasakit pa siya ng iba dahil sa pinagdadaanan niya.
Katatapos lang ng class ko this morning and still iniisip ko pa rin ang mga nalaman ko tungkol kay Sebastian. Tahimik lang ako na naglalakad pero si Therese napapansin ko na napapatingin na sa'kin.
"Okay lang ako," sabi ko. Inunahan ko na kasi paniguradong tatanungin niya 'ko kung ayos lang ba ako.
"Mukhang hindi, kanina ka pa tahimik magmula no'ng bumalik ka sa room."
See? Tama ako, 'di ba? Pero ewan ko ba kung bakit naging tahimik ako magmula pa kanina. Siguro dahil sa mga na discover ko, wala kasi siyang alam at wala naman akong balak na ikuwento 'to sa kanilang dalawa ni Michelle.
"After lunch, didiretso ka na sa Music Club?" Tanong niya at tumango naman ako bilang sagot.
"Balitaan mo na lang ako kapag may quiz or assignment," sagot ko.
"Oo naman, ako na ang bahala," nakangiting aniya sabay hawak sa braso ko.
Nakarating din naman kaming dalawa sa cafeteria, as always si Michelle naghihintay na sa'min. Nilapag ko rin sa mesa ang pagkaing binigay ni Sebastian at naupo na sa bakanteng silya.
"Kanino naman galing 'yan?" Tanong ni Michelle.
"Galing sa isang prinsipe niya, kay Sebastian," sagot naman ni Therese. Napailing na lang ako, hays si Therese talaga sarap sabunutan.
"Ang sweet naman, ibang klase rin si Sebastian. Pero kaninong luto ang masarap, kay chef Tine or kay chef Sebastian?" Dumagdag pa si Michelle pero tinawanan lang nila akong dalawa, ang sasama talaga!
"By the way, nasabihan mo na ba si Tine na hindi kayo matutuloy bukas?" Muling tanong ni Michelle. Buti na lang pinaalala niya sa'kin, hindi ko alam kung paano sasabihin 'yon kay Tine.
"Hindi pa," maikling sagot ko.
"Bakit hindi pa? Baka umasa 'yon. Ang mabuti pa sabihan mo na siya, ayan siya papasok na rito," saad ni Therese sabay turo nito, at napalingon ako. Siya nga, kasama niya si kuya at ang mga kaibigan niya.
"Hi girls," bati sa'min ni Ian nang makarating na sila sa direksyon namin. Si Michelle at Therese na lang ang pumansin sa kaniya, I'm not in a mood.
"Nakabili na ba kayo ng pagkain? kung hindi pa, kami na ang bahala," - Laurence
"Libre na namin kayo," - Tyler
"Ano ang kakainin niyo?" - Joseph
"Leave us, 'yon lang," sagot ko na ikinatahimik nilang tatlo. Nakakairita ang boses nila, ngayon pa talaga sila nag-iingay.
"Kami na ang bibili ng pagkain, salamat mga kuys," wika ni Michelle sabay tingin sa'kin.
"Usap tayo mamaya Vienna," biglang sabi ni kuya bago umalis. Sumunod din naman ang mga kaibigan niya pero si Tine nagpaiwan.
"Sumunod ka na kay kuya, okay lang ako," sabi ko pero hindi ko siya nilingon.
"Tine, pagod lang si Vienna but she's fine, no need to worry." At umalis na si Tine after magsalita ni Therese.
Hays, nakakawalang gana ng kumain pero bigla naman akong napatingin sa direksyon ni kuya. Nakatingin din pala siya sa'kin pero ako na ang unang umiwas.
"Mamaya na lang ako kakain, pupunta na 'ko sa Music Club," sabi ko at tumayo na sabay kuha ng paper bag sa mesa.
"Baka wala pa naman do'n si Sebastian, kumain ka na lang muna," sagot ni Michelle.
"Okay lang, maghihintay na lang ako do'n. Kapag nakita niyo siya, pakisabihan na lang siya na nasa Music Club na 'ko," ani ko at napatingin ako sa direksyon nina kuya. But this time, si Tine na ang nakatingin sa'kin pero umiwas na lang din ako.
"O sige friend, bisitahin ka na lang namin mamaya." Tumango ako bilang sagot kay Michelle.
Lumabas na rin ako agad sa cafeteria at nakasalubong ko si tito Francis sa hallway. For sure sermon na naman ang aabutin ko sa kaniya, hindi kasi ako nakapunta sa birthday ng kambal.
"Bakit hindi ka pa kumakain? Saan ang punta mo?" Tanong niya. Akala ko pa naman sermon agad, at nakahinga ako ng maluwag.
"Music Club, practice," walang ganang sagot ko.
"Okay and by the way, may family dinner mamaya sa bahay. Last week hindi ka nakapunta sa birthday ng kambal. This time pumunta ka na, sinabihan ko na rin ang kuya mo."
Family dinner? Tsk! As if naman na pupunta ako.
"Sa orphanage ako umuuwi ngayon and busy din ako, si kuya na lang ang papuntahin niyo," sagot ko at napabuntong hininga siya agad.
"Vienna, hindi mo man lang ba namiss ang lolo't lola mo? Pupunta sila mamaya sa bahay at baka hanapin ka ng mga 'yon."
"Tito, baka nakakalimutan niyo ang nangyari sa pamilya namin? Nawalan man ho ako ng memorya pero hindi ko makakalimutan ang ginawa ni mom. Then now, magkakaroon ng family dinner sa bahay niyo? For what? Announcement para sa kasal nila ni tito Lucas?" Galit na sabi ko. Napalakas na talaga ang boses ko kaya pinagtitinginan na kami ngayon dito. When it comes to my dad, nagagalit talaga ko.
"Noong nabubuhay pa si dad, tinuring niyo man lang ba siya na parte ng pamilya niyo? 'Di ba, hindi? Nagbago na ang lahat noong dumating si tito Lucas sa pamilya natin. Siguro nakalimutan niyo na talaga ang mga nangyari noon, pero ako hindi," dugtong ko na ikinatahimik niya. Siguro naintindihan niya naman lahat ng sinabi ko. Ayaw ko silang makasama at mas ayaw ko silang makita.
"Please tell mom na hindi ako pupunta and thank you for the invitation. Excuse me," muling dugtong ko at nilagpasan na siya. Kusa na ring tumulo ang mga luha ko, hindi ko na napigilan ang emosyon ko.
Ayoko na makipagplastikan sa kanila, after all si kuya lang naman ang malapit sa kanila. Kahit minsan hindi ko maramdaman na parte ako ng pamilya nila. My grandmother betray his husband which is my dad's father. After mamatay ni lolo, tinanggap ni lola ang dad ni tito Lucas sa pamilya namin and they're living together for almost 10 years.
I'm not close with my grandparents on both side, only my brother. Nakakasama ko sila pero hindi nila ako kinakausap. Hindi nila ako tinrato na apo nila, never in my entire life. That's why ayoko ng makisalamuha sa kanila at ayoko na silang makita.
Matagal ko nang pinutol ang koneksiyon ko sa kanila magmula no'ng namatay si dad. Siguro galit pa rin ako dahil sa mga nangyari noon. Hindi rin nila ako masisisi, saksi ako sa mga nangyari sa pamilya namin. Nawalan man ako ng memorya at hindi ko man maalala ang lahat. Pero nakatatak pa rin sa utak ko ang mga pangyayari na naging dahilan ng pagkasira ng pamilya namin.