Chapter 26

1181 Words
After the break, si Michelle bumalik na rin sa room niya at si Therese naman pumunta sa org niya. After mga 5 minutes na paglalakad, nakarating na rin ako ng room. Nang hindi pa 'ko nakakaupo, si Mike lumapit sa'kin. Top student siya ng class, masasabi mong matalino nga siya. He's nice, pero minsan napakatahimik niya. "May kailangan ka?" Tanong ko sa kaniya. "Pwede ko bang mahiram ang notes mo sa sociology? Hindi ko kasi mas'yadong na cope up ang discussion kanina," sagot niya. Nilapag ko ang bag ko at hinanap ang notebook na hihiramin niya. "Here, hindi mas'yadong maganda ang sulat ko, ikaw na ang bahalang umintindi," sabi ko sabay abot sa kaniya. "Sure, no problem Vienna. Ibabalik ko na lang mamaya, salamat." Naupo na rin ako after niyang umalis sa harapan ko. Nakakaramdam na naman ako ng antok, gusto kong matulog pero ang ingay ng mga kaklase ko. "Vienna.." Napatingin ako sa tumawag sa akin, si Lessandra at nasa labas siya ng room malapit sa pinto. "Si Tine.." mahinang sambit niya at buti na lang narinig ko. Tumayo na lang ako at si Tine nasa hamba na ng pintuan. Napatingin siya sa direksyon ni Sebastian pero hindi rin naman 'yon nagtagal. Seryoso siyang napatingin sa'kin at ayoko sa mga gan'yang tingin niya, natatakot ako. Lumapit ako sa direksyon niya at nagsi-upo naman ang mga classmates ko. Mukhang natakot sa presensya ni Tine, lalo na ako. "Tine so--" "It's fine Vienna, don't worry," putol niya sa akin. Alam na kaya niya? Pero paano niya nalaman? "Tine ano kasi.." "No need to explain, it's fine and forget it. By the way, attention everyone. Inutusan ako ni Professor Miguel na hindi raw siya magme-meet sa inyo ngayon. May inaasikaso pa siya sa office niya, p'wede na raw kayo mag-early lunch," seryosong sambit niya. Natuwa ang mga classmates ko dahil sa sinabi niya, except me, 'di ako natutuwa. "Si Therese nakita ko sa swimming club, may ginagawa. Sino ang makakasama mong mag-lunch? Si Michelle paniguradong may klase pa 'yon," baling niya sa akin. This time, his mood changed pero ramdam ko na naiinis siya. "Busog pa naman ako," maikling sagot ko. "Kukunin ko ang bag mo, diyan ka lang at hintayin mo 'ko." At pumasok nga siya sa loob ng room. Hindi ko na siya napigilan, his acting as if he was my boyfriend kaya nakakailang para sa'kin. It's given that he's sweet and such a good person but this kind of treatment, I don't like it. Tiningnan niya muna si Sebastian bago niya kinuha ang bag ko at lumabas na ng room. Umalis na rin kami at tahimik na naglalakad ngayon dito sa hallway. Hindi ako sanay na ganito siya, nakatingin lang siya sa dinadaanan namin. Galit kaya siya? "Tine paano mo nalaman?" Tanong ko, napatingin siya sa'kin pero hindi naman 'yon nagtagal. "Narinig ko lang sa cafeteria kanina at nalaman ko rin na umiyak ka," sagot niya bago tumingin sa'kin. "Huwag kang mag-alala, hindi ko 'yon sasabihin kay mom. Bukas, dadalhan kita ulit at makakain mo na," dugtong niya bago ngumiti. Hindi ko alam kung bakit niya 'to ginagawa kaya hahayaan ko na lamang siya. Nakarating na kami sa cafeteria at siya na ang bumili ng pagkain habang ako naghanap ng bakanteng table. Nang makahanap ako, naupo na lang din ako sa isang silya. May mga estudyanteng napapatingin sa direksyon ko at 'yong iba, nagbubulungan pa. Napabuntong hininga na lang ako, wala talagang magawa sa buhay. After mga 15 minutes, nakabili na rin si Tine ng pagkain at papunta na siya sa direksyon ko ngayon. Nilapag niya ang dalawang tray ng pagkain pagkarating niya. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nilalagay niya sa harapan ko ang mga pagkain. Naupo na rin naman siya at nagsimula na rin akong kumain kahit busog pa talaga ako. "Na ikuwento sa'kin ng kuya mo, nag-away daw kayo kanina," biglang sabi niya. "Akala niya, tutuparin mo ang pinangako mo sa kaniya na kakalimutan mo ang mga nangyari before." "I changed my mind, inaamin ko sinabi ko nga 'yan sa kaniya before. But I just want to bring back my old memories, hindi man ito mangyayari agad but at least I try. Kung ayaw niya 'kong tulungan, wala na akong magagawa ro'n." "Concern lang ang kuya mo sa'yo at ayaw niya lang na makita kang nasasaktan at nahihirapan na binabalikan ang nakaraan mo." "Kung concern siya sa'kin, tutulungan niya 'ko pero hindi." Kaasar! bumalik na naman ang inis ko kay kuya. Tsk! If he can't help me, then fine! "Ang cute mo talagang mainis," sabi niya bago kinurot ang pisnge ko. Nagulat talaga ako sa ginawa niya pero nginitian niya lamang ako. "Anyways, sa Sabado free ka ba?" Tanong niya na ipinagtaka ko. "Why?" Kabadong tanong ko. "Yayain sana kita sa isang date," sagot niya na ikinagulat ko. Napaiwas siya ng tingin sa 'kin na parang nahiya sa sinabi niya. Ano ang isasagot ko? Date? Ibig sabihin, gusto niya 'ko? "Seryoso niyaya ka ni Tine? My god! Vienna, confirm," hindi makapaniwalang sambit ni Michelle. Nagsisi tuloy ako kung bakit kinuwento ko pa ang tungkol sa bagay na 'yon. Katatapos lang ng klase namin ngayong hapon kaya ayan nag-iingay silang dalawa. "Bakit kasi hindi pa umamin na gusto ka niya? Ang bagal naman ni Tine," dugtong pa ni Michelle. Porket niyaya ako sa isang date ibig sabihin ba agad niyon, gusto ako ni Tine? "Kapag umamin siya Vienna, sabihan mo agad kami ha? This time mukhang magkakajowa ka na, Vienna it's a sign," kinikilig na sambit ni Therese. Ngunit bigla silang natahimik nang makarating na kami sa parking lot dahil sa dalawang lalaking nakatingin sa akin. Si Britt at Enzo, na sa tingin ko kanina pa naghihintay. "Vienna, pwede ka ba naming makausap?" Tanong agad ni Britt nang makarating na kami sa direksyon nila ni Enzo. "Akala ko ba forever niyo ng hindi papansinin si Vienna," iritadong sagot ni Michelle. "Pwede bang makausap muna namin si Vienna kahit sandali lang?" Kalmadong tanong ni Enzo, napatingin naman sina Michelle sa 'kin. "Mauna na kayong umuwi, pupunta pa naman ako sa shop," sabi ko. "Sige Vienna, ingat ka okay? Una na kami." Umalis na rin silang dalawa after nilang magpaalam sa'kin. Pero ano kaya ang pag-uusapan namin? "Vienna, gusto lang namin humingi ng tawad," seryosong sambit ni Enzo. "Para saan?" Tanong ko. "Hindi namin sinasad'ya na hindi ka pansinin noong nakaraang mga araw," sagot ni Britt. Bahagya akong natawa, may reasons nga. "It's fine don't worry, hindi naman ako masama para hindi kayo patawarin. Kailangan ko na sanang umalis, may pupuntahan pa 'ko." Aalis na sana ako kaso napigilan ako sa braso ni Britt. "May sasabihin sana kami sa'yo pero--" "Vienna.." Napatigil si Britt dahil sa biglaang pagdating ni kuya. Napatingin siya sa dalawa at parang may namumuong tensiyon sa pagitan nilang tatlo. "Kuya.." Saka lang sila nagkaiwasan ng tingin nang magsalita ako. "May kailangan ka ba?" Tanong ko nang makarating siya sa harapan ko. "Hali ka na.." Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus ay hinawakan niya 'ko sa braso at kinaladkad papunta sa nakaparada kong kotse. Anong meron?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD