(BAWANE’S POV) NAGISING ako na maganda ang aking pakiramdam dahil isa na akong Reyna ng buong GreenenMuwa. . . Ngayon araw rin ang dating ni Michel at Nerisa. Excited na akong makita ang mukha ng dalawang babaeng ‘yon. . . Matagal din kaming hindi nagkita lalo at nasa Sta. Emeslas sila naglalagi. Agad namang inasikaso ang pampaligo ko ng mga tagasilbi ko. . . Sa totoo lang ay masarap maging Reyna. Sila ang nag-aasikaso lahat-lahat. Balak pa nga akong paliguan nila. Pero mas gusto kong ako ang magpapaligo sa aking sarili. Nang tuluyang makapasok sa loob ng banyo ay dali-dali akong naligo. Nang lumabas ako ay nakita kong nakahanda na ang mga gagamitin ko. Talagang tinulungan pa ako ni Palakara na magbihis. Sabagay ito naman ang gawain niya ang pagsilbihan ako. . Nang mailagay ang koro

