Matuling nagdaan ang buwan ang mga taon! At ngayon ay labing limang taong gulang na ako. Ngunit nandito pa rin ako sa bahay ampunan at nakakulong sa kwartong ito. Anim na taon na rin ang nagdaan mula ng mamatay ang kaibigan kong si Dave. Hanggang ngayon ay galit na galit ako sa mga taong pumatay sa kanya. . .
ILANG beses na rin akong tangkang tumatakas ngunit palagi akong nahuhuli lalo at nagdagdag ng mga security guard dito sa loob ng bahay amponan. Pero hindi ako mawawalan ng pag-asa. Ang sabi ni Michel ay pagsapit ko ng labing walong taong gulang ay kailangan na nila akong patayin at si Michel daw ang papatay sa akin. Ngunit hindi ko hahayaan na mangyari ‘yon. Ipaghihiganti ko pa ang aking kaibigan na si Dave.
Oras na makatakas ako rito ay babalik ako kapag handa na akong lumaban sa kanila. Lahat ng mga pinatay nilang Madre ay ipaghihigante ko. Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Kapag talaga nakikita ko ang mukha ni Michel at Nerisa ay gusto ko silang patayin.
“Aray!” Galit na daing ko nang maramdaman ko ang sakit ng tuhod ko. Pinaluhod kasi ako sa mga matatalim at maliliit na bato kanina. Dahil nahuli na naman ako na tatakas ko. Halos anim na oras din akong nakaluhod kaya ramdam na ramdam ko ang sakit ng aking tuhod. Sa anim na taon kong palaging nagtataka na tumakas ay hindi pa rin ako sumusuko.
Saka naniniwala ako na makakatakas ako rito bago ako sumapit ng labing walong taong gulang.
Kailangan ko munang pagalingin ang sugat ko sa tuhod. Hindi ako makakatakbo oras na matukas ako kapag may masakit sa akin. Kung pag-isipan ng mabuti.
Agad akong nahiga sa kama. Hanggang sa tuluyan akong nilamon ng karimlan. Nagising ako dahil sa pagbukas ng pinto ng kwarto na kung saan ako nakakulong. Una kong nakita ang demonyong mukha ni Tess. Sa aking utak ay hindi ko na ito tinatawag na Mother Tess dahil pekeng Madre naman ito.
“Bumangon ka riyan, maligo ka at pagkatapos ay isuot mo ito, Emerald. May parating akong bisita. Gusto kang makilala, dapat talaga ay noon ko pa ito ginawa, nagkaroon na sana ako ng pera sa ‘yo!” Sabay bato nito ng dress sa aking mukha.
Walang salita na bumangon ko. Matalim akong tumingin kay Tess.
“Mukhang mapapakinabangan ko pa ang katawan mo at magkakaroon ako ng pera sa ‘yo araw-araw, siguro bago sumapit ang labing walong taong gulang mo ay marami ko nang salapi.” Bigla akong kinabahan sa mga sinabi nito sa akin. Mukhang balak pa akong ibugaw ng hayop na ito. .
Ngunit hindi ako nagsalita. Agad akong pumasok sa loob ng banyo nang lumabas ng kwarto ko ang demonyong Tess. Mabilis akong naligo pagkatapos ay agad kong naglagay ng damit sa aking katawan. Agad kong kinuha ang dalawang granada malaking pako at inilagay ko sa bulsa ng short ko. Sa ilalim kasi ng suot kong dress ay may suot pa akong short.
Basta ko na lang isinuklay ang aking buhok. Agad kong kinuha ang aking wallet na naglalaman ng pera. Pipilitin kong makatakas ngayon araw. . Kahit pumatay pa ako. Ang mahalaga ay makaalis ako rito. . .
Pagkatapos ay dali-dali na akong lumabas ng kwarko ko matapos kong marinig na kumatok si Beth.
Gusto ko itong murahin. Paano ba naman nakasuot pa ito ng damit na pang-madre. Ngunit demonyo ang ugali. Agad nitong hinawakan ang aking pulsuhan at mabilis na hinila papalabas ng kwarto ko. Hindi ako umangal o nagsalita. Hanggang sa makarating kami sa isa pang kwarto sa 2nd floor. . .
Agad nitong binuksan ang pinto at buong lakas akong ipinasok sa loob ng kwarto ko. Narinig ko ang pag-lock ng pinto. Kahit kabado ay agad na umikot ang mga mata ko sa buong paligid. Nakita ko agad ang isang matandang lalaki. Nakangisi ito sa akin at alam na alam talaga na may gagawin itong hindi maganda.
“Napakagandang bata naman pala. Kahit 15 years old ka pa lang ay mukha ka nang dalaga. Lumapit ka sa aking hija,” anas ni matandang lalaki. Hindi ako kumilos. Ngunit mahigpit kong hinawakan ang malaking pako na nasa kamay ko. Papatay ako kung kinakailangan. Patawarin ako ng Panginoon Diyos sa aking gagawin. .
“Huwag kang matakot sa akin hija. Mabait ko,” anas nito sa akin. Agad itong tumayo mula sa pagkakaupo at mabilis na lumapit sa akin. Balak sana akong hawak nito nang mabilis akong lumayo rito.
“Lumayo ka sa aking tanda, kung gusto mo pang mabuhay, gago ka!” mariing pagbabanta ko sa lalaking hukluban. Ngunit malakas na tumawa ang matanda.
Mabilis akong tumingin sa bintana, kung tatalon ko roon ay kayang-kaya ko naman. Kailangan ko nang makaalis dito.
Mayamaya pa’y mabilis ulit na lumapit ang matanda at talagang gusto akong mahawakan. Ngunit kailangan kong makaligtas kaya naman basta mo na lang itinarak ang pako sa mukha nito. Kasabay ang mabilis kong pagtalon sa bintana. Napadaing naman ako sa sakit nang tumama ang paa ko sa bato.
Kailangan kong tiisin ang sakit. Mabilis akong tumakbo sa bukas na gate. Ngayon ko lang ito nakitang bukas. Mukhang may bisita ang mga pekeng Madre. Wala akong sapin sa aking mga paa, kahit masakit ang aking paa ay mas lalo ko pang binilas ang pagtakbo.
“Habulin ang babae! Bilisan ninyo!” narinig kong sigaw ng mga security guard. Habulin ninyo ako kung mahahabol ninyo mga tanga!
Hindi ako lumingon sa kanila. Tuloy-tuloy lamang akong tumakbo hanggang sa makalabas ng gate. Agad akong lumiko papunta sa kanan at humalo sa mga tao. Wala akong tigil sa pagtakbo. Dahil gusto kong makaalis sa demonyong lugar na aking pinanggalingan. Hanggang sa makarating ako sa plaza. Dali-dali akong pumunta sa malagong halaman upang dito magtago. Abot-abot ang aking paghinga nang mga oras na ito.
Bigla akong napatingin sa aking kamay at nakitang kong may bahid ito ng dugo. Ang dugo ito ang dahilan kaya nakaalis ako sa lugar na ‘yon.
Hindi naman siguro ako makikita rito nang mga bumahabol sa akin. Kung babalik ako sa bahay amponan na ‘yan. Titiyakin kong mabibigyan ng hustesya ang mga Madreng pinatay nila lalo na si Dave na aking kaibigan. .
Bigla ako namang naisip ang mga batang naiwan doon. Demonyo talaga sila. Talagang kumukuha sila ng mga bata sa kalye, tapos ibebenta nila sa mga mayamang mag-asawa na hindi magkaanak. Iyan ang gawain nila.
Hindi ko alam kung bakit papatayin nila ako pagsapit ko ng labing walong taong gulang? Ano’ng dahilan nila? Ngunit nakatakas na ako. Humanda sila oras na bumalik ako.