Mapanganib Na Ngiti!

1373 Words
NAPALINGON AKO sa aking narinig. Kahit medyo malabo ang aking paningin dahil sa masaganang luha na nakaharang sa aking mga mata ngunit nakita ko ang batang lalaki na naglalakad papalapit sa aming kinaroroonan. Medyo payat ito katulad ko at paika-ikang naglalakad gamit ang kanyang tungkod. Siguro bago siya dahil lahat ng mga batang nandito sa loob ng ampunan kilala ko na dahil sa tagal ko rito. “Ano’ng kalokohan ‘yan, Dave? Huwag kang makikisali rito. Bago ka pa lang kaya wala kang alam sa ugali ng batang ito!” singhal ni Mother Beth. Nakita ko ang panlaki nang kanyang mga mata habang mariing nakatitig sa mukha ng batang lalaki na tila ba sinasabi nito na tumahimik ka at huwag magsabi kung ano man ang kanyang nakikita. Bakit hindi pantay ang kanilang pakikitungo sa lahat ng mga bata rito? Bakit ba ayaw nila sa akin? Halos lahat sila tingin nila sa akin malas. Wala naman akong ginawang masama sa kanila. Kung kanina nabuhayan ako ng pag-asa ngunit unti-unti ring naglaho nang makita ko ang mukha ng bata kung paano siya napalunok nang laway. Nababanag sa kanyang mukha ang takot kay Mother Beth. Para itong kandilang nauupos sa malamig na hangin. “Hindi, Mother Beth. Bakit hindi mo hayaang sabihin ni Dave ang kanyang nakita? Hindi ba unfair para kay Esme ‘yon?” wika ni Mother Merideth sabay lingon kay Dave at bahagyang naka kunot ang noo.Mas lalong lumaki ang butas ng ilong ng masamang ugali na madre. Halatang ayaw niya akong maging inosenti sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Tahimik si Dave. Hindi siya makatingin nang diretso. Nahigpitan ko ang hawak sa laylayan ng aking damit habang pinagmamasdan ko siyang tila pinipigilan ang sariling magsalita. “Dave,” muling tawag ni Mother Merideth, mas malumanay na ngayon, “huwag kang matakot. Kung may nakita ka, sabihin mo lang. Walang mangyayari sa ‘yo.” Napatingin si Dave kay Mother Beth. Nanlilisik ang mga mata nito, parang kidlat na handang tumama anumang oras. Ngunit sa halip na umurong, humakbang si Dave palapit. Dahan-dahan, nanginginig ang kanyang boses nang magsimulang magsalita. “Nakita ko po si Esme… nag-iisang nakaupo malapit sa punong kahoy,” saad ni Dave. Halos wala akong narinig dahil sa lakas ng kabog ng aking dibdib. Lalo na nang sumulyap ito sa akin. At pagkatapos ibinaling ang tingin kay Mother Beth hanggang makaabot kay Nerisa. Napakislot naman ang mukha ni Nerisa nang magtama ang paningin nila ni Dave. “Sige lang, Dave. Ituloy mo. Huwag kang matakot,” saad ni Mother Merideth. Malaki ang pasasalamat ko dahil nandiyan ito. Akala ko katulad din siya ng ibang mga madre na halatang may kinakampihan at hindi ako ‘yon. Halata si Michel ang paborito nila dahil lagi itong bida-bida. Kahit ang totoo lahat ng mga nagawa ni Michel ay ako ang gumawa at ang mga kasamahan naman dito sa loob ng ampunan ngunit lagi nitong inaangkin ni Michel at nang kanyang grupo. Sa ampunan halos ng mga bagong dating takot kay Michel dahil laging kinakampihan ito ni Mother Beth at Mother Tess. ‘Papa Jesus, sana tulungan ako ni Dave na mapawalang sala,’ pipi kong dasal. Mas lalong lumakas ang kabog sa aking dibdib. Tila ba may nagpaparadahan sa loob nang makita ko ang pagyuko ni Dave at biglang tumahimik. Buong lakas kong tinanggal ang kamay ni Mother Beth na mahigpit na nakahawak sa aking patpatin na braso. Hindi ko nga alam kong paano ko ‘yon nagawa iyon. Nang makawala ako, kaagad akong tumakbo papalapit kay Dave at marahan siyang niyugyog ang kanyang mga balikat habang mabilis na nagsilaglagan ang aking mga luha. “M-m-maawa ka sa akin..Sasabihin mo ang totoo. Wala akong kasalanan! Hindi ko kasalanan ‘yon. Sila ang unang nanakit sa akin!” Niyuyog ko ang kanyang balikat at habang patuloy na umiiyak. “Tumahimik kang bata ka! Ang tigas talaga ng ulo mo! Ikaw ang tinik sa amin! No wonder na walang sino man ang gustong mag-ampon sa ‘yo! Dahil tingin nila sa ‘yo salot!” bulyaw sa akin ni Mother Beth sabay hila sa akin palayo kay Dave. Ngunit tila ako isang papel na walang buhay na nagpatangay sa kanya. Napatigil din ako sa paghahagulhol dahil sa sakit na aking narinig. Wala ba talagang tao ang may gusto sa akin? Kaya ba kahit sa tinagal-tagal ko rito sa loob ng ampunan. Nanatili pa rin ako rito? Ang sakit ng aking dibdib. Parang pinipiga iyon. Muling umagos ang aking luha ngunit kaagad ko rin iyong pinahid. ‘Huwag kang maniwala sa kanya, Esme. Kaya hindi ka napipili kapag may mga taong gustong mag-ampon dahil ikukulong ka nila sa loob ng silid.’ saad ng aking isipan kaya buong lakas akong tumingin kay Mother Beth. Marahang umiling at pinilit pinipigilan ang aking mga luha. “Hindi po totoo ‘yan, hindi ako salbahi. May mag-aampon din sa akin!” buong tapang tugon ni Mother Beth. Nakita ko ang pangisi ni Nerisa sa aking tinuran na tila ba ng uumay. Bahagya namang napangisi si Mother Beth. Ang hindi ko maiintindihan bakit ganito ang ugali ni Mother Beth? Ang sabi sa akin ni Mother Margarette dapat silang mga madre mababait. Dahil naglingkod at namuno sa bahay amponan. At ang mga madre alagad ng simbahan. Buong akala ko mabait sila, ‘yon pala isang kabaligtaran dahil daig pa ang ugali ng isang demonyo ni Mother Beth at Mother Tess. Laging pinaparusahan ang mga batang nagkakamali. “Ha! Walang sino man ang mangahas mag-ampon sa isang tulad mo!” maanghang na saad ni Mother Beth sa akin sabay pisil ng aking baba na ikatulo ng aking luha. “Tama na ‘yan, Mother Beth. Magdahan-dahan ka naman. Bata ‘yang pinagsasalitaan mo,” saway ni Mother Merideth. Ngunit mas lalo lamang diniinan nito ang pagkakawahak sa akin kaya bumaon ang kanyang kuko. Ngunit binawi ulit ako ni Mother Merideth. Natakot ako na baka madamay pa ang bagong madre nang dahil sa akin. “Huwag mo akong subukang kalabanin, Merideth!” At walang ano dinuro nito ang aking ulo. “At. . . ikaw! Huwag kang mag-isip na ligtas ka na!” Hindi pinansin ni Mother Merideth ang mga patutsada ni Mother Beth. Hindi nagpapatag sa masamang tingin ng madre. “Dave, sige na. Sabihin mo sa akin ang totoo. May kasalanan ba si Esme?” pakiusap ni Mother Merideth. Ngunit nakalipas ang ilang minuto. nakita ko ang na napahigit ng kanyang hininga si Dave at pagkatapos huminga ng malalim bago nagsalita. “Wala pong ginawang masama si Esme. Ang grupo ni Michel ang unang lumapit at nanakit. Bigla po nitong tinulak si Esme at pinagtawanan nila. At pagkatapos pinagsisipa rin nila. Kaya nang makabangon buong lakas nitong itinulak si Michel para makatakas." Napapikit ako ng aking mata nang marinig si Dave. Nagsasabi siya ng totoo. Ang buong akala ko magsisinungaling din siya katulad kay Michel at Nerisa.” Tumahimik ang mga madre. Si Mother Beth, hindi makapaniwala. Halatang galit na galit siya ngunit pinipigil ang sarili. “Baka nagkakamali ka lang, Dave,” malamig at pilit ang tono ng kanyang tinig. “Hindi mo pa kilala ang batang ‘yan" “Hindi po ako nagkakamali,” sagot ni Dave, halos pabulong. “Nakaupo lang siya sa kama… umiiyak.” Lalong dumagundong ang dibdib ko. Gusto kong mapahagulgol. Hindi ko akalain may magsasalita para sa akin. Sa wakas, may naniwala. Tumayo si Mother Merideth, humarap kay Mother Beth. “Enough. Hindi natin pwedeng patuloy na isisi kay Esme ang bawat gulo rito!" Napasulyap si Mother Beth sa akin, ang galit sa kanyang mukha ngayon ay napalitan ng isang mapanganib na ngiti. “Kung ganoon,” aniya, “magkita-kita tayo sa opisina mamaya. At ikaw, Esme… huwag mong akalaing ligtas ka na.” Kinilabutan ako. May kung anong matalim sa kanyang tinig. Parang hindi pa tapos ang lahat. Pag-alis nila, lumapit si Dave sa akin. Hindi kami nag-usap. Sandali lang kaming nagkatitigan, at sapat na ‘yon para malaman kong totoo ang sinabi niya na hindi lahat ay galit sa akin. Na hindi ako nag-iisa. At sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, naramdaman kong may liwanag din pala sa akin. Akala ko galit na silang lahat sa akin at wala na akong kakampi rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD