Hanggang sa makita kong naglabas ito ng kadena at balak akong patamaan sa aking katawan. . Ngunit wala pa ako sa mood makipaglaban dito, simple kong kinuha ang aking karayom na may pangpatulog. Kung tama ang hula ko ay may kalahating oras lang itong makakatulog. Tama lang ‘yon dahil sagabal ito sa aking mga plano. Nakita kong balak na naman nitong ibato sa akin ang hawak na kadena, ngunit mas mabilis na gumalaw ang aking kamay. Mayamaya pa’y tuluyan na nga itong bumagsak sa lupa. Mahinang nilalang, akala ko ba'y isa itong mandirigma? Bakit hindi nito nakita ang karayom na pinitik ko papunta sa kanya? Masyadong mahina ang pakiramdam nito. Puro lang yata ito yabang? Agad na lamang akong umalis dito para muling balikan si Harere. Nakita kong may mga naglalaban pa. “Ano’ng balita Harere?”

