KINAUMAGAHAN Hindi pumasok sa opisina si Dane. Balak niyang mag-stay na lang sa hotel para magpahinga. Maaga siyang gumising dahil plano niyang mag-jogging muna. Bandang alas-8 ng umaga, papasok na sana siya sa loob ng hotel nang mapansin niyang nagmamadaling pumasok si Natalie. Hindi siya napansin ni Natalie. Nasa likuran na siya ng babae. Nagulat lang ito nang magsalita si Dane. "Hindi ko alam empleyado ka pala dito." "Ay, hesus maryosep...!" Napalingon si Natalie at lumaki ang mata niya nang makita si Dane. "Da-Dane, ikaw pala." "Dane?" Tinaasan niya ito ng kilay. "For your information, Miss..." Inaalala niya ang apelyido nito nang tinawag siya ni PJ. "Escobar? Tama ba?" Tumango si Natalie. "---I am the CEO and the owner of this hotel. Maybe you should address me properly. Wala

