(Flashback)
"Ingrid? asan kaba?"- Usisang tanong ng taong kausap ko sa telephono. Habang ako naman ay tuloy tuloy ang pag lakad patungo sa barong barong katabi ng maduming ilog.
"May dadaanan lang ako dito sa bahay ni tyang. Mabilis lang ako tapos uuwi na din ako jan" Mahinanong kong wika bago ko ibaba ang telephono. Maaring magalit na naman ito sakin dahil sinuway ko na naman ang utos nitong wag na wag na akong babalik sa lugar na to dahil sa delikado ang kaso kailangan ko talagang bumalik dito dahil naiwan ko ang nag iisang bagay na nag papaalala sa nanay ko.
Pero malayo pa ako sa barong barong na tinitirahan ng tiyahin ko ay tanaw ko ang magagarang sasakyan sa harapan nito na nag pakunot ng noo ko.
"Kanino naman kayang mag sasakyan ito?" Tanong ko sa sarili ko, pero iniwaksi ko ito at dumiritso sa pakay ko.
Maingat akong nag lakad sa matulas na tulay na kahoy, bubuksan ko na sana ang pintuan. Nang masilip ko sa butas ng flywood na pintuan kung sino ang nasa loob ng bahay.
"Tanggapin mo ang pera." - Kitang kita ko kung paano tanggapin ng tiyahin ko ang makapal na envelop na inabot ni Eduardo Collins ang ama ng lalaking mahal ko.
"Siguraduhin mong wala ng gulong maidudulot ang pamangkin mo sa anak ko!" - mataas na boses pang wika nito na nag patikom ng bibig ko.
"Sigurado po" Siguradong wika ng tiyahin ko habang may malaking ngiti sa mga labi habang tinitingnan ang laman ng envelop.
"Oras na malaman kong lumilingkis pa yang malandi mong pamanking sa anak ko. Ikaw ang babalikan ko. Wag nyo akong kalabanin, hindi nyo alam ang kaya kong gawin !" Maoturidad na wika pa nito.
"Kung hindi mo madala sa maayus na paki usap yang pamankin mo, mas maganda kong patahimikin mo na" Nalalaglag ang dala kong payong sa gulat. Napaharap silang lahat sa direksyon ko, pero bago pa nila ako makita ay nakatalikod agad ako. Naka hood jacket ako kaya malabo na mamukaan nila ako.
"Pasensya na, madami talaga jang dumadaan. Wag nyo ng pansinin" - Rinig ko pang wika ng tiyahin ko.
Tuloy tuloy ang pag tulo ng luha ko habang pabilis na pabilis ang pag lakad ko palayo sa lugar na to.
"Patayin mo kung kakailanganin"
"Patayin mo kung kakailanganin"
"Patayin mo kung kakailanganin"
Paulit ulit na naririnig ko ang mga salitang yan.
Napatingil naman ako ng mag ring ang telephono na nasa kamay ko. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa pag luha pero malinaw parin sakin kung sino ang tumatawag.
"Dapat ba talaga akong mag tiwala sayo?"
"Baka katulad ka din ng ama mo! papatayin mo din kami ng anak ko!" - Hindi ko na sinagot pa ang tawag ni collins at itinapon ko nalang kung saan ang telephono.
Tama nga si nanay, sarili ko lang ang dapat pinag kakatiwalaan ko. Pinag patuloy ko lang ang pag takbo
Nang may nakita akong taxi papalapit sakin ay agad ko itong pinara.
"mam saan po tayo?" tanong ni manong sakin. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon.
"Batanggas manong" Nagulat si manong sa sinabi kong lugar. Kahit akoy nagulat din sa sinabi ko.
"Mag babayad po ako kahit mag kano. Basta ilayo nyo ako sa lugar na to" Mahabang paki usap ko dito habang may hikbi ng lumalabas sa mga labi ko.
Maagang nagtugo dito sa bahay si Secretary Ivy kasama ang ilang tao ng kapitolyo. Kaya sandali kaming nag kulong sa silid ni ely habang may ibang tao dito sa bahay. Wala akong ideya kung bakit may kasama itong ibang tao ngayon.
"Nay, nag call na po si tita Ivy. We can go outside na daw po." wika ni ely pag labas ko ng banyo dito sa loob ng kwarto. At tulad nga ng sabi nito ay hawak kamay kaming lumabas ng kwarto. Tahimik na ang buong bahay hinyales na wala ng ibang tao konti kami.
Kumunot aang noo ko ng mapansin kong ang mga makakapal na kurtinang ikinabit sa buong kabahayan. Si collins kaya ang nag pakabit nito, pero kelan pa nagka interest si collins sa mga kurtina.
" anak si nanay nalang muna ang baba okay? Stay ka nalang sa room mo, dadalahan nalang kita ng food dun." sumunod naman ito sakin at bumalik ng kwarto nito. Tulad ng sabi ko ay ikinuha ko muna ng pag kain si ely bago tinungo ang direksyon kung saan na andun si secretary ivy.
" Secretary ivy ano ba talagang nanyayari?" Tanong ko dito habang busy ito sa pag aayus ng kurtina. Pero wala akong nakuhang sagot dito.
Secretary ivy sagutin mo naman ako. Ano bang nanyayari? Bakit parang mas humigpit ang security dito sa bahay? Tapos itong makakapal na kurtinang pinakabit mo sa buong bahay. Para saan to? " nilingon ako nito t nag lakd dito papalpit sa bag nito.
Si collins, nasaan si collins? Tatlong araw na syang di umuuwi." hindi ko na nahintay pa ako sagot nito at nag tanong na naman ako ng panibago. Nakakapag taka lang bakit kailangan kulungin ang buong bahay.
Pati si ely nag tatanong na. Ano ba kasing meron? Anong nanyayari?"
Alam na ng publiko ang tungkol kay ely.
Ano? Paano?
May nakakuha ng litarto kay ely habang nasa labas ng bahay. At maaring kalaban ni governor ang may kagagawan nun.
Hindi lumalabas ng bahay si ely.
Ayan yung litrato na kumakalat sa sosyal media. Kitang kita ang mukha ni ely, at kamukhang kamukha ni governor kaya hindi na magawan pa ng paaran ng kapitolyo na pag takpan.
Anong sabi ni collins?
Hindi ko pa alam. Pero kahapon pumunta sa kapitolyo ang presidente at alam mo sa awra nito na galit ito. Pinalabas kaming lahat ng opisana bago nag usap ang mag ama. Kaya di ko alam kung anong plano.
Kung ano mang mapag desisyonan gawin. Magtiwala nalang tayo kay governor.
Napalingon kami ni secretary ivy ng mag bukas ang malaking pintuan at pumasok doon ang governador. Kumunot ang noo ko ng kasunod nitong pumasok ang isang sexy at maputing babae. Para itong modelo, ngumiti ito sa akin ng nakakaloko.
Hi ingrid, long time no see. Miss me? Sabi nito at lumipat ang tingin ko kay collins na may pag tatanong pero umiwas ito ng tingin.
Hello. Matipid na bati ko dito. Tandang tanda ko pa kung paano kami nag kakilala ng babaeng ito, hindi ko makakalinutan ang pangalan nitong Neri. Bakit kasama sya ni collins at anong ginawa nito sa bahay namin.
Lumipat ang tingin ko kay secretary ivy pero tulad ni collins ay nag iwas din ito ng tingin na para alam na ang nanyayari.
Nag tungo si collins sa sala at umupo sa mahabang sofa na sinundan naman ni Neri na umupo malapit sa governador.
Sinamahan naman ako ni secretary ivy na harapin ang dalawa.
Ilalabas si ely sa publiko. Matigas na wika ni collins, na kinagulat ko.
Ano? Hindi. Hindi ako payag! Medyo lumakas na ang boses ko dito. Nakinakunot ng noo nito na parang di nagustuhan ang inasal ko.
Hindi ko hinihingi ang opinyon mo! Ilalabas ko sa publiko si ely sa ayaw at gusto mo! Malakas na sigaw nito sakin na kinayuko ko pero na huli ko pa ang lihim na pag ngiti ni Neri.
At si Neri ang lalabas na ina ni ely. Naikuyom ko ang kamay ko at tiningnan ng masama si collins na agad naman itong nag iwas ng tingin.
ivy at Neri lumabas muna kayo. Matigas na wika ni Collins. Ako naman hindi parin pinuputol ang pag titig ko dito.
What? Pati ako lalabas? Maarteng wika ni Neri, natinapunan ko ng masamang tingin.
Fine! Whatever!
Nang maiwan na kamng dalawang sa silid ay katahimikan lumaganapan sa buong silid. Walang umiimik samin.
Ilang minuto ang tinagal namin na ganun ng tumayo na ito sa kinauupuan at akmang tatalikuran ako.
Collins. Tumigil ito at humarap sakin. Basang basa ng luha ang mukha ko, pero wala na akong paki alam.
Hindi mo naman ako ilalayo sa anak ko diba?
Kahit na si Neri yung magiging nanay ni ely, di mo naman ako palalayasin dito diba? Parang pinipiga ang puso ko sa mga katagang binitawan ko. Maisip ko palang na hindi ako ang nanay ni ely ay parang sinasakal na ako at di makahiga sa sakit.
Collins, maawa ka sakin. Hindi ko kayang malayo sa anak ko. Lumapit ako dito at hinawakan ang kamay nito.
Ginawa ko naman lahat para sayo. Lahat ng utos mo ginagawa ko, please balato mo na sakin na makasama ang anak ko. Maaawa ka. Nag hihina na ang tuhod ko kaya di ko namalayan na naka luhod na ako sa harapan nito habang hawak ang kamay nito na agad nitong tinanggal ang pag kakahawak ko. Kaya napahimalos ako sa mukha ko.
Gagawin ko lahat, kahit gawin mo akong yaya ni ely. Okay lang sakin. Basta kasama ko sya. Please. Please. Maawa ka. Si ely nalang ang meron ako, kaya di ko alam kung kakayanin ko pag nilayo mo sya sakin. Maawa ka sakin collins. Please. Pag kasabi ko dito ay lumakas na ang pag hagulgol ko. Ito ang unang beses na makita ulit ako ni collins na nag mamakaawa dito. Nababaliw na ako, di na ako makapag isip ng tama. Kinakain ng takot ang puso ko na baka bukas or sa makalawa ay hindi ko na mahahawakan ang anak ko. Alam ko na isang pitik lang ng kamay ni collins at magagawa nito ang iniisip ko.
Nanay? Are you there? Im done eating na po. Napalingon ako sa kwarto sa second floor ng bahay ng marinig ko ang boses ni ely. Nang hihina na tumayo ako sa pag kakaluhod ko at pinunasan ang mukha. At agad kong tinungo ang silid na hindi manlang tinapunan ng tingin si collins na ramdam ko na sinundan ako ng tingin.
O diyos ko wag nyo po sanang hayaan na malayo sakin ang anak ko.
Pero nanay, ikaw lang po ang gusto kong maging nanay. Ayoko sa kanya. Lihim na tumalon sa tuwa ang puso ko dahil sa sinabi ni ely.
Anak listen to nanay okay? Wish kasi ni Mr collins yun. Diba love mo naman si daddy mo. Pwede ba na gift na natin sa kanya yun? Magiging mommy mo lang naman si ate Neri pag nasa labas tayo ng bahay. Okay ba yun? Tumango ito kahit halata mo na napipilitan lang ditong sumang ayon. Pasalamat nalang ako na masunuri si ely.
Love ko po si Mr. Collins pero mas love po kita. Kaya gagawin ko po to para sayo po basta wag mo po akong iiwan. Sabi nito at niyakap ako.
Hindi ka iiwan ni nanay. Bulong ko dito na dahilan kung bakit mas humigpit ang yakap nito.
At tulad nga ng gustong manyari ni collins. Dito sa bahay na kasama namin tumitira si Neri at tulad nga ng inaasahan ko gumaganda lang ang pakikitungo sa aming mag ina ni Neri pag nasa harap namin si collins.