“MISS AMBER!” Tila tuwang-tuwa ang isa sa mga estudyante nang makita siyang kasama ni Jairus nang makababa sila sa lobby ng condo kung saan naghihintay ang mga ito. Hindi niya maiwasang mapangiti nang makita kung gaano ka-excited ito na siguro ay reader niya. “Good morning!” Jairus greeted nang makalapit sila nang tuluyan. Nakatutok na sa kanila ang phone cameras at DSLR ng tatlong estudyante. Mabilis na silang dumiretso sa parking lot. In a snap, nagmamaneho na si Jairus palabas ng Alta Mujer Residences patungo sa unibersidad na pinapasukan nito bilang propesor. Sa passenger’s seat na siya naupo habang nasa backseat naman ang tatlong babaeng estudyante na halatang nahihiya pang kumibo nang mga sandaling iyon. Saglit din niyang kinausap ang isang estudyante roon na kanina pa yata stars

