“AREN’T you going to tell me everything so I can finally leave?” malamig na tanong ni Amber kay Corven. Naroon pa rin sila sa Starbucks. Hindi na sila nag-abala pang lumipat sa restaurant na pagkikitaan nila. Umalis na rin ang lalaking—for Pete’s sake—kaharutan ni Corven kanina. Siya na lang at ang dating asawa ang naiwan sa harap ng isa’t isa. Ni hindi man lang siya kinausap ng kung sinumang lalaking iyon. The unknown spiecies just disappeared like magic when it saw her. Mabuti naman. Wala siyang planong magmukhang third wheel ng dalawa. Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Ang malinaw lang sa kanya, gusto niya nang marinig ang lahat-lahat kay Corven. Gusto niya, isang bagsakan na lang ang lahat. She didn’t want to prolong those overthinking times. “Am

