Five years ago… Amber was enjoying her food. Third anniversary nila ngayon bilang couple. Corven took her to a fancy restaurant with a perfect view. Sa garden area na iyon, sila lang ang tao. But she never asked him if that whole place was rented just for them. She just wanted to enjoy every moment. Masaya siya dahil nagkaroon ito ng oras. Ilang araw rin itong busy at sa katunayan, mas lagi niya pang nakakausap ang ina ng nobyo. Napasulyap siya kay Corven na seryoso sa kinakain nito. Tila may malalim itong iniisip na hindi man lang nito napansing tinititigan niya na pala ito. She even cleared her throat several times before he finally look at her. “May problema ba?” nagtatakang tanong niya. Sa totoo lang kasi, clueless siya. Hindi naman sila nag-away. Hindi naman sila nagkatampuhan. Th

