“KUMUSTA KA NA?” Halos magkasabay na tanong nina Amber at Corven sa isa’t isa. Napatikhim si Amber. Masyado bang eager ang pagkakatanong niya? Dapat, hinayaan na lang niya itong maunang magsalita. Inilapat niya ang bimpo sa noo nito. Nakahiga ang lalaki habang nakaupo naman siya sa tabi nito. Katatapos niya lang itong painumin ng gamot. Tapos na rin niya itong alalayang magpalit ng damit. Aaminin niya, medyo na-miss niya rin ang pakiramdam na inaalagaan ito. But to her surprise, her heart wasn’t aching anymore. Hindi iyon nagwala sa galit at hinanakit nang makita niya ang dating asawa. Hindi siya nakaramdam ng sama ng loob. Pero hindi pa rin nawawala ang mga tanong sa isip niya. Hindi pa rin niya magawang palayain nang buo ang sarili dahil may mga tanong na paulit-ulit na umiikot lang s

