SAGLIT na natahimik si Amber nang tuluyan silang tumigil sa harap ng mga magulang ni Jairus, Sa harap ng puntod ng mga ito. She was shocked nang doon siya dalhin ng lalaki. Ang akala niya ay sa bahay ng mga ito siya pupunta. Kaya nagulat siya nang pumasok sila sa isang memorial garden. Hindi naman niya nagawa pang magtanong sa lalaki. She knew he would tell her about his parents anytime soon. Inilapag ni Jairus ang dala nilang bulaklak. Hindi niya maiwasang mapatitig sa lalaki. He looked so handsome like always. But he looked so sad. Gustung-gusto niya itong tanungin. Pero pinigilan niya ang sarili. Jairus needed a companion and not a journalist who would ask series of questions. Dion Tan, 2008. Marqueza Tan, 2018. “My dad died because of car accident,” paliwanag ni Jairus na nararam

