Kitang-kita kong natigilan ang aking kalaban. Ngunit saglit lang ang pagkatulala nito. Mabilis kong napansin na balak akong saksakin nito nang palihim. Kaya naman walang habas kong ibinaon sa lalamunan nito ang hawak kong kutsilyo. Agad ko ring inalis ang kutsilyo dahilan kaya bumulwai ang dugo. Hanggang sa mabilis kong binalikan si Mang Hoger. Nakita kong lumabas na ang ibang mga tao na nagtatago sa kanina. Dali-dali akong lumapit sa matanda. “Maraming salamat, Black.” “Mang Hoger, kailangan po munang gamutin ang sugat mo,” anas ko sa matanda. Agad na may lumapit kay Mang Hoger na mga lalaki upang buhatin ito, ganoon din ang ibang mga sugatan. Ang mga bangkay naman ay kailangan sunugin ganoon din ang mga mananakop na lumusob dito. “Black.” Mabilis akong lumingon sa tumawag sa akin.

