Sinturon!

1508 Words
Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao dahil sa mga kasinungalingan nito. Kitang-kita ko naman ang galit sa mukha ng aking ama habang nakatingin sa akin. Lalo at panay ang agos ng luha ni Jaya at para bang aping-api ang hayop. Hanggang sa narinig ko ulit na magsalita ang aking ama. “Ngayon ay pinagsisihan ko na naging anak kita, Black!” mariing sabi ng aking Itay. Sobrang nasaktan ako sa sinabi nito sa akin. Ang mas makita pa ay mas naniniwala ito sa kabet nito kaysa sa kanyang Anak. Ngunit ang pagbagsak ng luha sa aking mga mata ay pinigil ko. Walang kakurap-kurap na tumingin ako sa aking ama. “Sana hindi na rin ikaw ang naging ama ko, mas gugustuhin ko pa na isang pulubi ang aking ama kaysa sa ‘yo na walang kwenta!” sagot ko. Hindi ko na naisip na ama ko ito. Ito lang ang kilala kong ama na handang ipahamak ang anak!. “Suwail ka, Black!” sigaw nito sa akin. Kitang-kita kong inalis nito ang belt sa beywang nito. Pagkatapos ay nagmamadali itong lumapit sa akin. AGAD akong hinila papalabas ng bahay. Mayamaya pa’y naramdaman ko ang paglapat ng sinturon sa aking katawan. Ramdam ko ang sakit sa katawan ko, ngunit kailangan kong tiisin 'yon. Kahit ang lumuha ay hindi ko pinakita rito. Kahit sa braso ay natatamaan ako. Ngunit mas maraming hapyot sa aking likod, hanggang sa aking binti. “Kulas, ano’ng ginagawa mo sa anak mo!” Narinig ko ang malakas na sigaw ng ng aking Ina. Nakita kong itinulak ng Nanay ko ang walang kwenta nitong asawa. Nahinto naman ang pagpalo ni Itay ng sinturon sa aking katawan. “Hindi ko akalain na sasaktan mo ang anak mo, dahil lang sa kabet mo!” sigaw ng aking Inay. “Walang galang ang mga anak mo, Blakelyn. Kaya pagsabihan mo siya. Matutong igalang si Jaya ganoon din ang anak namin. Kung hindi kayo makatiis sa ugali ni Jaya. Umalis kayo sa bahay ko!” At dinuro-duro pa ng Itay ang Nanay ko. Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Mas lalo kong kinasusuklaman ang aking Ama. Dali-dali namang lumapit sa amin si Inay at mahigpit akong niyakap. Kitang-kita ko ang luha sa aking mga. “Patawad anak ko. Kung wala akong lakas na umalis dito. Ngunit kung aalis tayo, wala tayong ibang mapupuntahan. Ang perang na ipon namin ng Itay mo ay hindi na ako ang may hawak, si Jaya na. Pati ang budget natin na buong buwan ay kinuha na ni Jaya kanina. Siya na raw ang maghahawak. Pati ang binigay mong limang libo na galing sa Itay mo ay kinuha niya. Nakita kasi niya ang aking wallet…” umiiyak na sumabong ni Inay sa akin. Hindi ako nagsalita. Nanatili lamang na seryoso ang aking mukha at kahit isang luha ay walang pumatak sa mga mata ko. Hanggang sa yayain na ako ng Nanay ko na pumasok sa kwarto namin. “Black, kailangan nating gamutin ang mga pasa mo---” “Huwag na po, Inay. Ayos lamang ako… Huwag mo akong alalahanin…” Kitang-kita ko naman sa mga mata ng Inay ang sobrang kalungkutan. Sa totoo lang mas gugustuhin ko pang tumira sa kalye kaysa makasama ang mga taong demonyo. Hindi ko sila kailangan sa buhay ko, mas lalong hindi ko kailangan ang isang Ama. Halos magmura ako sa aking utak. Mayamaya pa’y nagpalam sa akin si Inay upang kumuha ng pagkain namin. Bago umalis si Inay sa kwartong ito ay sinabi nito sa akin na pinag-uutos pala ni Jaya na huwag kaming kumain sa hapagkainan. Kaya lalo akong nasuklam sa hayop na babae. Kinasusuklaman ko talaga ito. Nang mapag-isa ako rito sa kwarto ay pabagsak akong naupo sa kama. Napansin ko ang aking braso na puno ng pasa, umabot din sa aking pulsuhan. Damang-dama ko rin ang sakit nito ganoon din ang likod ko. Lalong sumama ang aking pakiramdam. Isang malungkot na paghinga ang aking ginawa bago ako nagpalit ng damit. Malaking t-shirt at pajama ang suot ko. Lalo at makikita ang mga latay ko sa hita. Umayos na lang ako ng upo nang makita ko ang pagbukas ng pinto at iniluwa ang aking Ina. May dala-dala itong pagkain. Ngunit nakikita ko sa mukha ng Inay ang sobrang kalungkutan. “Black, pasensya ka na, ngunit hindi ako binigyan ng ulam ni Jaya…” “Sa atin ng ulam na ‘yon, ‘di ba ‘yon ang budget natin na galing kay Itay?” “Oo anak, ngunit ang katwiran ni Jaya at nagluto tayo sa kanilang lutuan. Wala raw tayong karapatan doon dahil siya ang asawa ni Kulas. Patawad, Black. Sa ngayon ay pagpasensya mo muna itong tubig at asin. Ang mga kapatid mo ay kumain na. May nakuha akong umalam kanina, kaya agad ko silang pinakain. Balak sana kitang ikuha ng ulam, ngunit nahuli ako ni Jaya…” “Ayos lang Inay. Ang mahalaga ay nakakain na ang mga kapatid ko. Kakainin ko ito kahit tubig asin lang ang ulam ko.” Kitang-kita ko naman ang luha sa mga mata ng aking Ina. Alam kong nahihirapan na rin ito. Agad na lamang akong tumalikod kay Inay upang hindi ko makita ang luha sa mga mata nito. Panay lang ang lunok ko sa kanin kahit ang ulam ay tubig at asin. Naubos ko naman ang pagkain na hinanda sa akin. Tuloy-tuloy lang ang nguya ko kahit hindi ko naman masyadong malasahan ang ulam ko na tubig at asin lalo at masama ang aking pakiramdam ko. Bago mahiga sa kama ay uminom muna ako ng gamot sa lagnat. Hindi ako puwedeng magkasakit lalo at kailangan ako ng Inay at mga dalawang kapatid ko. Napatingin ako kay Inay na nandito sa aking tabi. Kahit hindi nito sabihin ay alam kong umiiyak ito. Sana lang ay kayanin lahat ni Inay ang problema ng pamilya namin. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata, hanggang sa tuloy-tuloy na akong nakatulog. Nang magising ako kinabukasan ay naramdaman kong masakit ang katawan ko. Hinawakan ko rin ang aking noo. Wala na akong lagnat, ang katawan ko na lang ang masakit. Ngunit kailangan kong bumangon dahil kailangan kong pumunta sa school ngayon. Dali-dali akong lumapit sa maliit na table. Nakita kong may pagkain na rito. Noodles ang ulam namin. Malungkot na lang akong kumain upang makainom ulit ng gamot upang tuluyan na akong gumaling. Sa ginawa ng Itay sa amin, hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ito. Sobrang higpit tuloy ng pagkakahawak ko sa kutsara. “Black, ayos lang ba?” Agad ako at bumalik sa normal ang aking pag-iisip nang marinig ko ang boses ng aking Ina. “Ayos lang po ako, Inay.” Ngumiti pa ako rito. Pagkatapos ay dali-dali na akong tumayo nang matapos akong kumain. Agad akong pumasok sa loob ng banyo upang mag-shower. Tumingin ako sa harap ng salamin at nakita ko ang aking labi na may sugat. Nahagip pala ito ng sinturon habang pinapalo ako ni Itay. Iiling-iling na lamang ako na lumabas ng banyo. Pagkatapos kong maglagay ng uniform sa aking katawan ay dali-dali na akong lumabas ng kwarto. Balak ko na sanang lumampas sa kwarto nina Itay at ang kabet nito nang marinig ko ang usapan sa loob. Medyo nakaawang kasi ang pinto kaya naririnig ko ang usapan sa loob. “Daddy, alam ko naman may pamangkin ako, ‘di ba, Anak ng ate ko. Ayos lang ba na rito na lang siya tumira? May isang kwarto pa naman sa baha natin. Nag-aalala rin kasi ako sa aking pamangkin lalo at babae siya.” “Sige lang love, walang problema sa akin. Ipapalinis ko kay Blakelyn ang kwartong available,” naririnig kong sagot ng aking Ama. Gusto kong murahin sa aking utak si Itay. Dahil tuluyan na niya kaming inabandona. At nagpabilog sa kabet nito. Dali-dali tuloy akong umalis sa harap ng pinto. Tuloy-tuloy akong lumabas ng gate. Medyo maaga pa naman kaya nagdesisyon ako na maglakad na lamang papasok sa Canete National High. Kailangan kong magtipid ngayon. Lalo at walang katiyakan kung bibigyan pa ba kami ng pera ng Itay ko. Kasalukuyan akong naglalakad nang matanaw ko si Mr. Eyeliner at kasama nito ang mga kabarkada nitong nag-aaral din at sa Canete National High School na yata tumanda. Kitang-kita ko rin na panay ang hithit at buga ng usok ng sigarilyo ni Mr. Eyeliner. Ilang beses muna akong napalunok. Medyo kabado ako lalo madadaanan ko ang lalaki na ngayon ay nakasandal sa puno. “Dude, dumating na ang hinihintay mo,” narinig kong anas ng isang lalaki. Kitang-kita ko naman na pinanlakin ng mga mata ni Mr. Eyeliner ang lalaking nagsalita. Ako naman ay nagpakatungo- tungo. Ngunit bigla akong napahinto sa paglalakad nang may mabangga ako. “Wahhh! Ayos!” Narinig kong sigaw ng mga barkada ni Mr. Eyeliner. Lalo akong nakaramdam ng hiya. Balak ko na sanang umiwas sa lalaki. Ngunit muli akong hinarang nito gamit ang malaking katawan. Kitang-kita kong ngumisi ito sa akin. Hanggang sa biglang takpan ng panyo ang aking ilong dahilan kaya tuloy-tuloy akong nawalan ng malay tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD