Bigla kong natapik ang aking noo. Diyos ko po! Paano ako makakaalis dito. Kailangan kong gumawa ng paraan upang payagan akong umalis dito. Hindi puwedeng nakakulong lamang ako rito. Baka biglang maging bato ang milyong halaga na aking nakukuha. Hanggang sa magkakasunod akong napatikhim. Muli akong tumingin sa mukha ng lalaki. Pagkatapos ay agad akong lumapit dito. Inayos ko ang kuwelyo ng suot nitong damit. Hinaplos ko rin ang buhok nito upang lambingin ang lalaki. “Apollo, akala ko ba'y napag-usapan na natin ito. Kailangan ko munang mahanap ang aking Ina---” Ngunit bigla nitong itinaas ang kamay upang patahimikin akong magsalita. “Ako na ang bahala sa Inay mo. Nag-utos na ako ng tao para mahanap siya, Lipstick. Siguro naman ay wala ka nang ilulusot akin---” Bigla akong napanganga at

