Narinig kong nagsigawan ang mga taong nandito. Lumapit na rin sila upang panoorin kami ni Lap. Wala naman akong balak na laban ito ngunit masyadong matalas ang bibig nito at hindi nakakatuwang pakinggan at talagang nakakainit ng bungo. Gusto kong matawa dahil ito ang naghamon sa akin para labanan ko siya ngunit ito pa ang pikon. Agad ko na lamang ikiniling ang aking ulo. Mayamaya pa’y mabilis na umangat ang katawan nito sa ere. Mabilis ding bumulusok papunta sa akin at balak akong sipain sa aking ulo. Aba! Mukang seryoso nga ito na kalabanin ako. Wala pa man ako sa mood makipaglaban. Umalis na lamang ako sa aking pwesto. Ngunit mabilis akong nakarating sa likuran nito at basta ko na lang hinampas ang batok nito, dahilan kaya tuloy-tuloy itong nawalan ng malay tao. Dinig na dinig ko ang

