Magkakasunod akong napalunok ng mga oras na ito. Mas lalong nangilabot ang buong katawan ko. Ramdam ko ang pagdikit ng mga balat namin ni Apollo. Bigla ring kumunot ang noo ko nang tawagin nito ang pangalan ko na Lipstick. Teka si Apollo lang ang tumatawag ng Lipstick sa akin. Karamihan ay Black. Hanggang sa madama kong dahan-dahan na lumapat ang labi nito sa aking leeg. Talagang nataranta ako at hindi ko alam ang dapat kong gagawin. Agad kong kinalas ang kamay nito sa aking beywang at pilit na inalis. Nagmamadali akong umalis mula sa kandungan nito nang tuluyan akong makawala. Nakita kong balak akong hawak nito sa aking pulsuhan kaya naman mabilis akong lumayo kay Apollo. “Masyado kang isturbo, Mr. Umalis ka na rito, gusto kong mapag-isa ngayon gabi---!” mariing sabi ko sa lalaki. Agad

