(BLACK’S POV) Gusto kong humalakhak ng tawa habang nakatanaw ngayon kay Apollo at galit na galit ang tabas ng mukha nito. Parang diring-diri ito habang nakatingin sa t-back na ngayon ay nakasabit sa side mirror ng kotse nito. Ang sarap tuloy nitong asarin. Ang mukha rin ng lalaki ay namumula lalo at may mga taong nakatingin at tumatawa sa lalaki dahil sa t-back na ngayon nakasabit sa side mirror ng kotse nito. Talagang sinundan ko ito dahil gusto kong malaman kung ano’ng magiging reaction ng lalaki oras na makita ang t-back na aking nilagay. Kitang-kita kong kumuha ng cellphone ang lalaki at parang may tinawagan ito. Mukhang ayaw na ayaw ng lalaki na hawakan ng t-back. Ang sarap tuloy magpagulong-gulong sa lupa habang panay ang tawa ko. Mayamaya pa'y nakita kong dumating ang tauhan ni

