(MR. EWWERZ’S POV) Nakita kong muli na namang kumuha ang babae ng bola ng baseball bat. Napansin kong mas malaki ‘yon kumpara sa mga nauna. Magkakasunod akong napalunok dahil alam kong mas masakit 'yon kapag tumama sa akin. “Hindi mo pa rin ba sasabihin sa akin kung ilan kayo sa grupong kinabibilangan mo, Mr. Ewwerz?” tanong sa akin ng babaeng nakasuot ng facemask at hanggang ngayon ay hindi ko nakikilala kung sino man ito. “Hindi ko alam, ang tanging kilala ko lang ay si Mr. Viter at Mr. Beac. Ang iba ay hindi ko na alam kung sino sila, dahil bago lang sa ako sa grupong Firel Syndicate---” Ngunit muli na naman akong napadaing magkakasunod na tumama ang bola sa aking balikat at sikmura. Pakiramdam ko’y parang nabutas ang aking tiyan. “Masakit ba, Mr. Ewwerz? Ngunit para sa akin ay k

