Kaya lang isang malakas na ilaw ang tumama sa akin mga mata. Dali-dali tuloy akong umangat sa ere upang iwasan ang malakas na ilaw na 'yon na papalapit sa akin. Nakita kong isang malaking truck pala ‘yon. Sobrang liwanag namn ng ilaw noon? Pinilit kong makarating sa ibabaw ng bubong ng truck. Alam kong mga kalaban sila at balak akong banggain. Saktong lapat ng aking paa sa bubong ng sasakyan ay siyang sulpot naman ng dalawang mananakop. HINDI ako umalis sa aking pwesto at medyo lumayo sa kanila. Nakatingin lamang ako sa kanila. Ngunit malakas akong nakikiramdam. “Ang lakas ng loob mong kalabanin kami. Hindi ko ba alam kung gaano karami ang mga mananakop, huh?!” Bigla naman akong napatawa. “So what, wala akong pakialam kung marami kayo, dahil uubusin ko kayong lahat at ihahatid sa hulin

