Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Ngunit hindi na ako nagsalita. Tuloy-tuloy akong humakbang upang lumabas ng gate. Hindi ko ininda ang sakit ng tama ng bala. Saktong labas ko nang may biglang humintong saksakyan sa harap ko. Medyo nagulat ako nang bumaba ng sasakyan si Apollo. Kitang-kita ko ang madilim na mukha nito habang malalaki ang hakbang papalapit sa akin. NAKITA kong naglabas ng baril si Apollo at balak sanang pumasok sa loob ng gate. Ngunit mabilis kong hinawakan ang braso nito. Magkakasunod akong napailing upang iparating dito na huwag nitong ituloy ang plano. Kitang-kita ko naman ang pagkuyom ng mga kamao nito. Hanggang sa buhatin ako para ipasok sa loob ko saksakin. Agad na ring pumasok ang lalaki rito sa loob ng sasakyan at matuling pinatakbo. Ngunit kitang-kita

