“Hey! Apollo. Huwag kang pipikit, gago ka, huwag ka agad mamatay! Hindi pa ako buntis--!" Sigaw ko. Hindi ko alam kung bakit ko 'yon nasabi. Baliw na talaga ako. Agad ko ring niyugyog ang balikat nito. s**t, dahil ngayon lang ako nakaramdam ng kaba. Mabilis akong tumingin sa mga armadong lalaki na patuloy na binabaril ang kotse ni Apollo. Mga tinamaan sila ng magaling! Animal . . Mabilis akong yumuko ng aking ulo upang hindi matamaan ng bala ng baril ng kalaban. Ngunit dali-dali kong kinuha ang aking gamot upang ipatak sa bibig ni Apollo. May pulso pa ito ngunit medyo mahina. Nawalan din ito ng malay tao. Nakita ko ang dugo sa likod ni Apollo. Dali-dali akong nagpadala ng minsahe kay Gany. Baka kasi maubosan ng dugo si Apollo. Dali-dali kong kinuha aking granada at gigil na gigil kong b

