chapter 5

716 Words
Aubrey pov. malaking 'BAKIT' ang nasa isip ko ngayon. katanungan kung bakit sa dinami dami na pwede akong ma fall sa isang professor pa talaga. sa taong bawal mahalin ng isang studyante. sa ilang buwang lumipas na kumpirma ko na nafa-fall na ako sa kan'ya. hindi pa alam ni Jessy ang tungkol sa nararamdaman kong ito para sa aming professor dahil alam kong bubungangaan ako no'n parang nanay pa naman 'yon kung mag sermon. alam kong hindi ko siya pwedeng mahalin dahil professor ko siya at balita sa campus na may girlfriend na ito kaya pinipilit ko ang aking sarili na h'wag siyang mahalin kasi alam ko sa sarili ko na kapag tuluyan akong mahulog sa kan'ya ako rin lang ang masasaktan at kawawa sa huli. bakit kaya may mga panahon na nahuhulog tayo sa isang maling tao. kasi sa ngayon gano'n ang nangyayari sa 'kin. lagi rin siyang nasa isip ko, hindi nga lang pala sa isip minsan nasa panaginip ko rin siya. at alam niyo ba na kahit sa panaginip hindi kami pwede dahil ayaw niya sa 'kin. nakakaiyak isipin dahil sa pagka chussy ko kaya heto ako ngayon nahulog sa taong kailan man hindi magiging akin. gusto ko lang naman maramdaman 'yong sinasabi ni Lola sa 'kin dati. pero mukhang mali yata na sumunod ako sa sinabi ni Lola actually medyo naramdaman ko naman yung sinasabi ni lola kakaiba siya lalo na sa t'wing nagtuturo si prof. Eren 'yon nga lang bakit siya pa, bakit sa professor ko pa, bakit sa kan'ya ko pa 'yon naramdaman, bakit hindi nalang sa iba marami naman nanliligaw sa 'kin d'yan. bakit sa kanila hindi ko 'yon naramdaman. bakit? bakit?! bakit?! nakakainis. " best, okay ka lang ba?, may hindi ka ba sinasabi sa 'kin? " tanong ni Jessy paglapit sa 'kin andito kasi ako ngayon sa may maliit naming beranda. " okay lang ako best." mahina kong sagot. tangina bakit ako naiiyak okay lang naman ako 'di ba? " best sa hitsura mo ngayon halatang hindi ka okay. " " okay lang ako best, " sagot ko na parang may nakabara sa aking lalamunan. " best kung may problema ka alam mo naman na andito lang ako, I'm your best friend s***h sister na rin dahil para na tayong magkapatid 'di ba? so, care to tell me your problem? ano ba yan family problem, kasi pagdating sa tuition mo wala namang problem, hindi naman siguro yan love life problem kasi wala ka namang boyfriend, so what kind of problem you have ba? " mahabang tanong ni Jessy. " best, nahuhulog na ako sa kan'ya, no! hulog na nga siguro ako sa kan'ya eh, pero alam kong hindi pwede. " " huh! kanino? hindi naman sa taong may asawa ' di ba? " " hindi, wala siyang asawa pero girlfriend meron at mas lalong hindi kami pwede dahil professor natin siya." mangiyak ngiyak kong sagot kay Jessy. " WHAT?!.. is that professor Eren? " "y-yess hindi ko nga alam kung bakit siya pa." " ang gwapo naman kasi nang professor natin eh, at ang hot pa, h'wag mo na yan isipin nararamdaman mo kasi hindi lang naman ikaw ang na iinlove sa new prof. natin meron 'din taga ibang section at meron 'din sa mga classmate natin, hindi lang ikaw kaya h'wag ka na masyadong mag isip d'yan h'wag mo na masyadong problemahin yan, okey? " sa sinabi ni Jessy hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot. Oo ba, Okey ba, ewan hindi ko alam. hindi ko nalang rin sinagot si Jessy tahimik lang ako ang gulo kasi nang isip ko ngayon. hinihiling ko nga na sana bukas sa pag gising ko ay wala na itong nararamdaman ko para sa aking professor. siguro maghahanap nalang ako na pwede ko maging boyfriend, oo nga pala si Liam nga pala hanggang ngayon binibigyan pa rin ako ng mga bulaklak at minsan nag-aaya rin Kumain sa labas siguro sa susunod na yayain ako nun papayag na ako para itong nararamdaman ko para kay prof. Eren ay mawala na at mabaling na sa iba dahil 'yon ang mas better. kasi bawal ang student and teacher relationship. as if naman na maging kami ' di ba? stop dreaming Aubrey, that won't be happened itatag mo yan sa kokote mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD